chapter 21

3.7K 131 2
                                    

Napapikit ako habang dinama ang hangin na tumatama sa muka ko,andito ako sa labas ng mansyon ni cuervo,nakatingin sa mga bituwin.gusto ko ng umalis dito,pero bantay sarado niya ko,wala siya ngayon,dahil may pinuntahan.kaya mga bantay lang ang naiwan.ambang tatayo nako ay napapikit ako at napahawak ako sa ulo ko.napaluhod ako at namimilipit sa sakit.

"arghh,ang sakit!"sigaw ko,habang nakahawak doon.hingal na hingal ako,habang pinipilit na tumayo.

"miss ayos kalang?"nagaalalang tanong ng tauhan,ni cuervo napaiyak ako at napahikbi.tinayo niya ko at dalidaling pinasok sa loob.

"s-si cuervo?"umiiyak na sabi ko.

"may pinuntahan lang miss.teka tatawagan ko" ambang kukunin niya ang selpon niya,ay pinigil ko ito.

"w-wag na,ayos lang ako.pwede bang samahan moko?"tanong ko naguguluhan naman siyang napatingin sakin.

"g-gusto kong makita ang anak ko,please kuya.kahit ngayon lang" pagmamakaawa ko.

"pero baka mapagalita ako ni boss" sabi niya.

"samahan mo lang ako,gusto ko lang makita yung anak ko" pagmamakaawa ko,napahinga naman siya ng malalim,at unti unting tumango,kaya napangiti ako.

"saglit lang tayo miss" sabi pa niya.kaya napatango ako.

lumabas kami,at bumungad samin ang lima pa sigurong tauhan ni cuervo,napalunok ako ng makita kong may baril,sila napaiwas nalang ako ng tingin.

"san kayo pupunta,bawal lumabas si miss ella" sabi ng baritong boses na malaking lalaking iyon,base sa itsura niya paramg kaya niyang pumatay.malamang kaya nga may baril sila!

"kailangan ko lang makita ang anak ko,please lang kuya" pagmamakaawa ko.napatingin naman ito,sa kasama ko.

"alam ba ni boss to?"tanong pa niya,napailing naman ako.

"sorry miss,pero hindi pwede kami ang mapapatay ni boss" sabi niya,kaya napahinga ako ng malalim.

inakay na ko ng kasama ko kaya nanlulumo akong nagpatianod kasama niya.

"pasensiya na talaga miss."aniya kaya napatango nalang ako.

gusto ko ng makita ang anak ko!miss kona siya.

Dumaan ang ilang oras ngunit wala pa din si cuervo,pinakiramdaman ko ang paligid.kung wala na ang bantay.na tauhan ni cuervo.binuksan ko ng pinto,at sumilip doon.nakita kong nakaupo silang lahat sa may  gilid.tila nagkakatuwaan sila.

kaya sinamantala ko iyon,sinuot ko ang hood ng jacket kong itim.at nakayukong tumakbo sa pinakagate nito,napahawak ako sa tuhod ko ng hiningal ako.

tumakbo pako at ng makarating ako sa isang waiting shed.may nakita akong taxi kaya pinara ko iyon.

ng makasakay na ko.ay dalidali kong tinuro ang bahay ni jacob.

pagdating ko don,ay dalidali akong bumaba.bukas pa ang ilaw.kaya hindi pa sila natutulog.

"jacob!" Sigaw ko.binuksan ko ang gate.at tumakbo sa pinakapinto ng bahay niya.

"jacob,!anak!"katok ko sa may pinto niya.napahinga ako ng malalim,ng binuksan ng katulong iyon.

"Miss.kayo po pala"

"andiyan ba si jacob,si jc ate?" Tanong ko agad sa kaniya.

pinapasok naman niya ko,at pinaupo.tinawag niya si jacob kaya naghintay ako dito.

narinig kong yabag ng paa kaya dalidali akong tumayo.

nakita ko si jacob,gulat na napatingin sakin.

Hide from the mafia boss(Mafia series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon