CHAPTER 10

406 13 1
                                    

CALLIE's POV

Whenever i'm close to that Parvenu guy ay nasasangkot na lang ako palagi sa gulo! Tapos trending na naman ako sa buong campus!

"The third year's from business are joining our class because Mr. Tarrayo, their music teacher is not in" paliwanag nung teacher.

Hayst! At least Kuya is here. I feel safe whenever he's around.

"Yiee nakatingin sila sayo" mahinang sabi ni Sara sa akin.

"Sino?" takang tanong ko.

"Si Axel at Calyx"

Agad akong napatingin sa kanila at tama nga ang sinabi ni Sara, the two of them are staring at me. I understand why Kuya is staring at me pero si Axel? Hindi ko alam kung bakit sya nakatingin sa akin!

"Wag mo ngang bigyan ng malisya dahil baka hindi naman talaga sila sa akin naka-tingin" palusot ko na lang.

Tsh! Mai-issue na naman ako neto eh!

Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ko na lang yung libro na ibinalik sa akin ni Dexter kanina. Itinuon ko na lang yung pansin ko dun sa libro.

Humarap yung teacher sa klase ni Kuya "Alright class, you can freely pick your seats so we can start our lesson"

Ibinaba ko yung libro ko at tinignan ko sila kung saan sila uupo.

Nakita ko na papunta dito si Kuya... at si Axel.

Oh no! This is trouble for sure!

Sa akin na naman naka-tingin yung mga studyante even the teacher!

Halos sabay lang silang nakarating sa harap ko!

Nakita kong nag-katinginan sila ng masama bago sila sabay na humawak dun sa nag-iisang upuan na nasa tabi ko!

"What the hell Santiago?" si Kuya.

"Move Cortez" utos sa kanya ni Axel.

Pareho silang ayaw na bumitaw sa upuan! Ano bang problema nila! Lahat ng estudyante ay sa amin naka-tingin!

Nahagip ko ang tingin ni Scarlet at ni Zari sa akin na ang sama-sama!

Argh! How annoying!

Nawala ang inis ko ng bitawan ni Axel yung upuan.

"Ok then, since you want that chair so badly Cortez, you can have it" mapang-asar na sabi ni Axel kay Kuya.

Akala ko ay pababayaan na kami ni Axel pero lumapit sya kay Sara "Can you move to another seat, i really need this seat"

Kinuha ni Sara yung mga gamit nya atsaka umalis at lumipat ng upuan!

Naupo si Axel sa kabilang gilid ko! Nasa gitna nila akong dalawa at nasa amin ang atensyon ng lahat!

Fúck!

"That guy is pissing me off" rinig kong bulong ni Kuya kaya naman pumunit ako ng isang pirasong papel atsaka ako nag-sulat, i wrote 'calm down' then i gave it to him.

"How can i calm down if his fúcking there beside you."

Huminga ako ng malalim atsaka ko sya binigyan ng 'don't worry' look.

The class started at ramdam ko ang tensyon ni Kuya at Axel sa isa't isa!

Dapat pala sumama na lang ako kay Sara na lumipat eh! Argh! Bakit ba naman kasi kasama pa namin yung klase nila!

Letse naman oh!

"Ok class, were gonna do an activity, we need to have an approximately group of three people"

Millennium University : school for elitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon