SPECIAL CHAPTER

507 18 0
                                    

AXEL's POV

Ayaw ko mang aminin pero nahirapan ako sa sitwasyon namin ni Callie. Long distance relationship is really challenging.

Nakayanan na namin ng isang taon noon pero ngayon naman ay dalawang taon kaming LDR. Palagi na lang kaming magkahiwalay.

I don't want to tell her that I also have doubts because I know that she's already thinking about it and seeing her sad makes me sad too.

Nahirapan akong umalis dahil umiiyak siya, I didn't want to leave her crying pero kung mananatili pa ako ng matagal ay baka hindi na talaga ako makaalis.

When I hugged her while saying goodbye I felt how tight her hug is, yung yakap na parang hinidi ka na makakawala pa pero bumitaw din naman siya.

"I'll call you every day Babe so don't be sad." sabi ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang buhok niya. Tumango lang siya habang patuloy pa din sa pag-tulo ang luha niya.

"Stop crying Babe, I don't want to see you crying when I leave," sabi ko sa kaniya dahil tuloy-tuloy lang ang pag-tulo ng luha niya, sa tuwing pupunasan ko ang luha niya ay may kasunod na naman.

"Sige na, umalis ka na," sabi niya sa akin atsaka siya humiwalay ng yakap.

"Parang itinataboy mo naman na ako niyan," pag-bibiro ko para naman hindi siya masyadong malungkot and it's my way to cheer myself up as well.

She tiptoed and kissed me before saying "I love you so much, mamimiss kita"

"I love you too Babe and I'll miss you too," I replied.

Nang makasakay na ako sa van ay hindi na ako lumingon sa likod dahil hindi ko kaya na makita siyang nasasaktan at umiiyak dahil sa pag-alis ko.

Matagal ang naging biyahe kaya ng makarating ako sa hallway ay dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at nahiga, kinuha ko ang cellphone ko atsaka ko tinignan kung anong oras na.

Late na kaya paniguradong tulog na siya kaya bukas ko na lang siya tatawagan dahil ayaw ko naman na abalahin ang tulog niya, I just texted her to inform that I arrive safely then I slept.

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang tumatawag, kaagad ko namang sinagot ng makita ko na si Callie ang tumatawag.

"Hey, babe"

"Hey," I replied.

"Kagigising mo lang?" malambing na tanong niya sa akin.

"Yep," I replied while my eyes are still close. Inaantok pa ako dahil mahaba ang naging biyahe ko.

"Ah ganon ba, I'm sorry if I disturbed your sleep, tawagan mo na lang ako mamaya, okay?"

"Hindi ka abala Babe, remember it's you before anything else"

"Really?"

"Yes, reallly"

"Promise?"

"I promise you"

I heard her sweet chuckle "Okay, go back to sleep my love"

"Okay Baby, I love you"

"I love you too, bye," she ended the call after that and I continued my sleep.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tulog pero ng magising ako ay tinawagan ko kaagad siya, she didn't answer the call but she texted me that she currenlty has a class so she can't answer her phone.

Millennium University : school for elitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon