CHAPTER 17

406 10 0
                                    

CALLIE's POV

Hindi kami masyadong nag-tagal dun sa fast-food restaurant pero parang halos nag-stay kami dun ng isang buong araw.

Hindi ako naka-kain ng maayos dahil naiilang ako sa kanya! Sino ba namang hindi maiilang kung hawak hawak nya yung isang kamay ko habang kumakain kami!

Sinubukan kong bawiin yung kamay ko sa kanya habang kumakain kami kanina pero lalo nyang hinigpitan ang hawak nya sa kamay ko at binantaan nya pa ako na tatangalin nya ang cap nya para makilala sya ng mga tao na nanduon.

Kaya naman hindi na ako pumalag dahil baka totohanin nya at paniguradong mai-issue na naman ako ng matindi!

Parang hindi nga ako natunawan kanina nung kumakain kami!

Nag-lalakad na kami ngayon at hanggang ngayon ay hawak-hawak nya pa din ang kamay ko.

"Parang awa mo na Axel, bitawan mo ang kamay ko" madiin na sabi ko sa kanya, nag-pipigil na ako ng inis ko sa kanya.

"If you ask the same question again I'm gonna kiss you and I'm not joking" seryosong sabi nya.

Hindi na ako nag-salita dahil natatakot ako na baka gawin nya ang banta nya at ayaw kong mangyari yun.

Mangyari na lahat wag lang nya akong halikan!

Swerte nya naman kung hahalikan nya ako! 

"Do you want to go somewhere?" tanong nya sa akin habang nag-lalakad kami.

"Gusto ko ng umuwi" sagot ko sa kanya.

Pumunta lang naman ako dito para kumain at mag lakad-lakad sana pero gusto ko na lang umuwi ngayon dahil ayaw ko syang kasama.

Hindi ako mapanatag dahil pag nakita ng mga tao dito na kasama ko si Axel at ka-holding hands ko sya ay baka biglang mag pop-out si Kuya sa harap namin at isang malaking gulong na naman ang mangyayari.

"But I still wanna stay with you" 

"Well, I don't wanna stay with you kung hindi mo lang ako binantaan kanina ay hindi ako sasama sayo" 

Napa-hinto ako sa pag-lalakad ng huminto din sya atsaka nya ako iniharap sa kanya "Wag ka ngang sagot ng sagot, naiinis ako sa mga sinasagot mo sa akin and you don't want me to get annoyed" seryosong sabi nya sa akin.

Muli kaming bumalik sa pag-lalakad at nanatili lang akong tahimik dahil baka kung anong gawin nya sa akin pag nainis na talaga sya.

Nag-patuloy kami sa pag-lalakad habang hawak pa din namin ang kamay ng isa't isa.

Nag paikot-ikot lang kami sa mall, ilang beses na din akong tinanong ni Axel kung may gusto daw ba akong puntahan pero puro iling naman ang sinasagot ko sa kanya.

It's actually a temptation because he was recommending me luxury brands and some of them are my favourites, I really wanna go shopping there but I am so glad that I'm able to fight myself from saying yes because if that happens I'm gonna get in big trouble especially when Kuya see it. 

Paniguradong tatanongin nya ako kung saan galing ang mga gamit na yun kubg sakali man na pumayag ako at hindi ko naman masasabi na binili ko yun dahil hindi naman kasya yung pera na binibigay nya para pang-bili ng mga ganong bagay.

Nakakahiya din naman kay Axel, alam ko na mapera sya but it's still not right parang ang mangyayari ay gagamitin ko sya dahil lang natukso ako and I don't want that.

Nandito kami ngayon sa second floor ng MU mall, nag-lalakad pa din kami at napapagod na ang mga binti ko.

Huminto ako sa pag-lalakad dahil hindi ko na talaga kaya, dahil sa pag-hinto ko ay napa-hinto din si Axel.

Millennium University : school for elitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon