CALLIE's POV
Maagang dumating si Kuya at buti na lang talaga na nasabihan ko si Axel na wag akong sunduin ngayon dahil magkakagulo na naman sila.
"Don't drop me close to the building" utos ko kay Kuya.
Alam ko kasi na ako na naman ang pag-uusapan pag ginawa yun ni Kuya and I don't want that to happen. Nakakinis naman kasi yung mga studyante dit, they can't mind their own businesses! Ang hilig nilang mangaelam!
Kuya parked his car a few steps away from the building. Buti na lang at maaga nya akong sinundo kaya naman wala pang masyadong studyante ngayon dito.
Nag-paalam na ako kay Kuya at sinabihan ko din sya na wag na akong sunduin mamaya dahil sabay-sabay ang dismissal namin kaya naman paniguradong madaming tao mamaya, ayaw ko na may makakita sa amin.
Nang makababa ako sa kotse ni Kuya ay agad na akong pumasok sa building then I went straight to my classroom for my first subject which is Finance.
Wala pang katao-tao dito dahil sobrang aga ko, ang tahimik tuloy.
I just sat on my seat then I brought out my notebook, pen and my calculator so I won't have to do it tomorrow.
I tried staying at my seat but I can't kaya naman tumayo na ako at nag lakad-lakad ako pero dito lang sa loob ng classroom.
Naka-ilang ikot ako sa buong room bago ko napag-desisyunan na umupo na ulit.
Tahimik lang ako na naka-upo dito hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag kaya naman napalingopn ako sa pintuan ng classroom namin.
Pumasok si Mr Papansin! I forgot her name but I know his face.
"Hey" bati nya sa akin habang may nakakalokong ngiti sa mga labi nya, di ko sya pinansin at nag-iwas lang ako bg tingin sa kanya.
"Why are you ignoring me?" tanong nya sa akin pero nanatili lang ang paningin ko sa malayo.
Why does this guy keep on bugging me? Last week he took my book now he's trying to talk to me.
Tumahimik na kaya naman akala ko ay umalis na sya pero paglingon ko sa tabi ko ay naka-upo na sya dun habang naka-ngisi.
"Pwede bang lumipat ka?" tanong ko habang pigil ko ang inis ko. Simula nung una ko syang nakilala ay napaka-papansin nya na.
"Pano kung ayaw ko?" malokong tanong nya "And you don't own this classroom for you to say where I can seat, I can seat anywhere I like"
Napa-irap naman ako atsaka ako tumayo, kinuha ko yung mga gamit ko at kukunin ko na sana ang bag ko ng pigilan nya ako sa pamamagitan ng pag-hawak sa pulsuhan ko.
"Ano ba?" inis na tanong ko.
"Where are you going?"
"Ayaw kitang katabi. Ayaw mong umalis jan kaya ako na ang lilipat"
"May galit ka ba sa akin? Bat ayaw mo akong katabi?"
"Wala akong galit sayo ayaw ko lang na maupo katabi mo dahil baka hindi ako maka pag-focus mamaya dahil masyado kang papansin"
Hindi ko na sya pinasagot at inagaw ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya atsaka ako nag-punta dun sa likod, dun ako umupo sa malapit sa bintana.
Buti na lang ay hindi nya na ako sinundan.
Hindi naman sa masama ang ugali ko kaya ayaw ko sa kanya, gusto ko lang umiwas sa kanila lalo na at mas mataas ang rank nila sa akin, kakapasok ko pa lang dito sa school ang dami ng issue sa akin dahil kay Kuya at Axel.
BINABASA MO ANG
Millennium University : school for elites
RomanceMILLENNIUM UNIVERSITY: SCHOOL FOR ELITES by cutenixA a Tagalog-English story Millennium University is a school for elites. Only elites can afford the tuition in this university, a big population of the school are rich students but there are also sch...