CALLIE's POV
"Kailangan ba talaga sumama ka?" tanong ko kay Kuya.
Nandito sya ngayon sa dorm ko, mag-kausap kami dahil sinabi nya sa akin na lalabas ng university ang mga Parvenu, may shooting test kasi sila sa labas ng school at hindi nila magagawa yun dito sa loob ng university dahil baka may matamaan at delikado dahil wala namang open space dito para sa shooting kaya delikado, kailangan kasi sa open space yun gawin dahil kailangan nila ng maluwag na area.
Ok lang naman sana kung isang araw lang sila aalis eh pero hindi, limang araw!
Wala namang problema kung si Kuya lang ang sasama at ibang Parvenu at least maiiwan si Axel pero lahat sila kasama at natatakot ako na maiwan magisa dito dahil hindi ako gusto ng mga estudyante.
"Required yun Callie, limang araw lang naman eh atsaka tatawagan naman kita para kamustahin ka"
Napa-buntong hininga ako at tumango na lang, wala naman kasi akong magagawa.
Nang matapos kami ni Kuya na kumain ng Dinner ay umalis na sya dahil kailangan nya daw igayak ang mga dadalhin nya dahil maaga silang aalis bukas.
Nakakainis! Bakit ba kailangan nilang lumabas? Akala ko ba delikado?
Mahigit isang oras ang lumipas matapos umalis si Kuya ay si Axel naman ang dumating at tulad ni Kuya ay pinaalam nya din sa akin yung tungkol sa pag-alis nila bukas.
"Mami-miss kita" naka-ngusong sabi ko habang naka-yakap ako sa kanya.
"Isang linggo lang naman eh, mabilis lang lumipas ang oras kaya magiging madali lang yun"
"Akala ko ba delikado ang lumabas?"
"I know but the school won't let anything bad happen to us and that place is hidden"
Lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya, mami-miss ko talaga sya. Kainis naman kasi! Bakit ba kasi may ganon pa.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya atsaka ko sya hinarap "Hindi ka pa ba babalik sa dorm mo? Gabi na at maaga pa kayong aalis bukas"
"Nope, dito ulit ako matutulog"
Napa-ngiti naman ako. Dito kasi sya natulog nung isang araw kasi ayaw nya daw mag-isa sa dorm nya, kinukumbinsi nya pa nga ako na dun matulog sa dorm nya pero tumanggi ako dahil masyadong delikado.
Baka kasi mamaya ay bigla na lang may magpunta dun at ayaw ko ng mangyari yung nangyari nuon.
Nag-latag sya ng tatlong duvet na makakapal sa sahig, sa tabi ng higaan ko, binili nya yun kahapon dahil sumakit daw ang likod nya nung natulog sya sa sahig nung nakaraan.
Sinabi ko nga na palit na lang kami pero tumangi naman sya.
I gave him my extra blanket and a pillow.
"Ano bang gagawin nyo sa labas ng limang araw, sigurado naman ako na isang araw lang ang shooting test nyo"
"Camping"
"Camping? Bakit kailangan ng ganon?"
"It's not just a camping baby, professionals are gonna train us there to fight so we can defend ouselves if it's needed in the future"
"Bakit kailangan pa sa labas eh ginagawa din naman natin yun sa PE"
We do self defenses on PE and Kuya also told me that were gonna soon do shooting and archery too-- they make us do that for protection purposes.
BINABASA MO ANG
Millennium University : school for elites
RomanceMILLENNIUM UNIVERSITY: SCHOOL FOR ELITES by cutenixA a Tagalog-English story Millennium University is a school for elites. Only elites can afford the tuition in this university, a big population of the school are rich students but there are also sch...