CHAPTER 18

436 15 0
                                    

CALLIE's POV

Pag-balik ni Axel ay may dala na syang isang baso ng tubig. Inabot nya sa akin yun atsaka naupo sa tabi ko.

"Do you want to eat something? I notice that you didn't eat properly earlier" sabi nya.

Paano ba naman ako makakakin ng maayos kanina eh hawak nya yung kamay ko, halos hindi na ako matunawan dahil sa kaba at takot ko na baka may makakita sa aming dalawa!

Umiling ako "Hindi ako gutom" sagot ko sa kanya.

Hindi ako gutom pero hindi din naman ako nabusog.

"What do you wanna do then?" muling tanong nya.

I faced him "Pag sinabi ko ba na iuuwi mo ako sa dorm ko gagawin mo ba?"

Walang pag-dadalawang isip syang umiling.

Nag-pakawala ako ng malalim na buntong hininga "Bakit mo ba kasi ako dinala dito sa dorm mo?" pigil na inis na tanong ko sa kanya.

After nung nangyari sa kwarto ni Kuya kung saan nila ako nahuli ay natatakot na akong pumasok sa building ng mga Parvenu dahil baka mangyari na naman yung nangyari dun sa kwarto ni Kuya kung saan na-hospital ako.

"Because I wanna stay beside you" he answered.

"Bakit ba dikit ka ng dikit sa akin huh?"

"Kasi gusto kita and I'm courting you"

"Sinong manliligaw ang bigla na lang bubuhatin ang nililigawan nila at isasakay sa sasakyan tsaka idadala sa dorm?" sarkastikong sabi ko sa kanya at napa-kamot naman sya sa batok nya.

"Alam ko kasi na hindi ka sasama"

"Eh ano ngang magagawa mo kung ayaw kong sumama? Ayaw ko ng mangyari yung nangyari nuon sa kwarto ni Calyx"

"Hindi na mangyayari yun, I promise. I'm different from Calyx and I won't let people do that to you"

Napa-buntong hininga na lang ako at hindi na sumagot sa kanya dahil ayaw ko ng pahabain ang usapan namin at ayaw ko na din mag-tanong ng mag-tanong dahil mukang may isasagot at palusot na din naman sya sa mga itatanong ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga nya na para bang may bahid ng pag-kainis pero hindi ko na lang pinansin yun at nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Naramdaman ko na tumayo na sya mula sa pag-kakaupo nya at ilang segundo lang ang lumipas ay narinig ko na ang mga yabag nya na papalayo sa akin.

'Saan naman kaya sya pupunta?' walang boses na tanong ko sa sarili ko.

Dahil wala naman akong magawa dito sa bahay nya ay nag-libot ang paningin ko habang naka-upo ako.

Malinis tignan ang living room area nya, napansin ko din na may malaking TV sa harap ng sofa na inuupuan ko at napansin ko din yung play station nya na naka-connect siguro sa TV.

Mahigit kalahating oras na ang naka-lipas ay hindi pa din sya bumabalik at ilang beses na din paikot ikot ang paningin ko sa buong living room ng kwarto nya.

Tahimik lang ako na naka-upo dito hanggang sa may narinig ako na ingay.

Kumunot ang noo ko.

'What the hell is that man doing?'

Out of curiosity I stand up and walk slowly towards where the sound is coming from, I ended up in his kitchen and I saw him... cooking?

He was holding his phone in his left hand and holding a spatula in his right hand.

Millennium University : school for elitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon