CALLIE's POV
Inis na bumalik ako sa pwesto ko kanina dahil duon daw ako hahanapin nung mag-tu-tour sa akin.
Nang makabalik ako dun ay agad kong naaabutan ang isang babae na parang may hinahanap.
Lumapit ako sa kanya.
"Excuse me?"
Agad syang humarap sa akin.
"Are you---" tinignan nya yung papel na hawak hawak nya "Callie Andres?" basa nya sa pangalan ko.
"Oo, ako nga" i said.
"Ah, i'm Saranity Valencia. Ako ang mag-tu-tour sayo" nakangiting sabi nya sa akin.
She seems nice.
Pero dahil may pinaniniwalaan ako ay hindi ako naniniwala na mabait sya, i onece enocounter someone that is nice to me pero plastik lang pala.
Karamihan ng mga tao ngayon ay plastik na kaya nga mahirap na talagang mag-tiwala.
"Callie--- is it ok if i call you by your name?"
"Oo naman."
"Oh sige, tawagin mo na lang din akong Sara, it's my nickname" tinanguan ko lang sya.
Giniya nya ako papunta sa isang golf cart "Sasakay tayo jan?" i ask.
"Oo, malawak ang kabuuan netong University, mapapagod lang tayo kung maglalakad tayo"
Sya ang nagmaneho ng cart.
"S.I.N ka diba?"
"Oo, ikaw anong Casa mo?"
"Spyro, the third rank. You're an S.I.N ibig sabihin scholar ka or may nag-endorse sayo na mga nasa highest rank"
"Calyx Cortez is endorsing me"
'Callie you shouldn't be speaking in straight english! Baka mahalata ka!'
Napahinto yung cart na sinasakyan namin atsaka nya ako gulat na tinignan "Si Calyx?! Nagbibiro ka ba?"
Nanlalaki ang mga matang inilingan ko sya.
"Tell me about it, anong relasyon mo sa family ni Calyx para i-endorse ka nila?!"
May gusto ba toh kay Kuya?
Huminga ako ng malalim, hays pinaghandaan ko ng magsinangaling pero pakiramdam ko ay ayaw ko pa din.
Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na kayang kaya mag-sinungaling, our parents teach us na wag magsisinungaling.
Dati pag nagsisisnungaling kami ni Kuya ay palagi kaming nalalagot kay Mama at Papa.
Pag may mali kami na ginawa at nagsinungaling kami lalong madadagdagan ang punishment namin ni Kuya kaya naman it's better to say the truth than to receive a punishment.
"Matagal ng maid nila Calyx ang Nanay ko, matapat na katulong nila ang Nanay ko kaya naman bilang pasasalamat ni Ku-- i mean ni Calyx sa Nanay ko ay pinag-aral nya ako dito"
Shemay muntik na akong dumulas!
Hindi ko naman kasi sanay na tawagin si Kuya sa pangalan nya lang!
Kuya is 2 years older than me tapos tatawagin ko lang sya na Calyx, goodness kung naririnig ngayon ni Mama ang mga sinasabi ko ay baka isinumpa na nya ako!
"So your saying na kasama mo si Calyx sa iisang bahay?!"
"P-Parang ganon na nga"
"Oh my god! Ang swerte mo!" tili nya!
BINABASA MO ANG
Millennium University : school for elites
RomanceMILLENNIUM UNIVERSITY: SCHOOL FOR ELITES by cutenixA a Tagalog-English story Millennium University is a school for elites. Only elites can afford the tuition in this university, a big population of the school are rich students but there are also sch...