"Anong nangyari?"
Kaagad na tanong ni Marcus sa akin at sabay pa silang lumapit ni Arthur... Nagmamadali akong kumilos upang kuhain ang mga mahahalagang dokumento sa ibabaw ng mesa...
"Nawawala si Zayn..." saad ko...
Wala akong pinalipas na segundo... Kailangan ako ng anak ko...
KaiIangan ko siyang mahanap.... Pinilit kong huwag isaisip ang mga masasamang bagay na gusting pumasok sa isipan ko...
Pero kahit ganoon pa man ay ina ako, magulang ako ni Zayn...
"What?" sigaw ni Arthur... Na tila ay naguguluhan sa mga nangyayari...
"Kumalma ka nga, Ariel..." Saad sa akin ni Arthur... Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko...
"Nawawala ang anak ko!" saad ko muli...
"Hindi ko maintindihan... Akala ko ba nasa bahay niyo siya?" tanong niya...
"Arg... Pwede ba Arthur, hahanapin ko muna siya..." saad ko at lumabas na ng silid... Ngunit naramdaman ko ang pagsunod nilang dalawa...
"Sasama ako... Tangina! Subukan lang nilang galawin ang anak ko at magkakamatayan kami..." madiing saad ni Arthur...
"Yes... Contact them... We need their help, nawawala ang anak ni Ariel.... Police might help... Lalo pa at hinahanap na sila ng batas..." Rinig kong saad ni Marcus sa kausap niya sa telepono...
Nang makarating ako sa Parking lot ay inagaw bigla ni Arthur ang susi sa aking mga kamay...
"Get in..." saad niya... Tiningnan ako ni Marcus...
"Sa Mansion..." saad ko at sumakay na din siya sa sasakyan niya...
"Bilisan mo, Arthur..." saad ko...
Habang bumibiyahe sila Arthur at Ariel ay biglang bumuhos ang malakas na ulan...
"Bilisan mo pa, Arthur..." saad ni Ariel ngunit mas lumalakas na ang ulann... Mabilis na minaneho ni Arthur ang sasakyan ni Ariel patungo sa mansiyon ng mga Gomez... Pagdating nila sa Mansiyon lahat ay nagkakagulo...
Kaagad na nilapitan ni Ariel ang Mom niya na umiiyak... "Mom..." kaagad siyang yumakap sa inang lumuluha... "Patawarin mo ako, anak..." lumuluhang saad ng ina nito...
"No, Mom... Wala po kayong kasalanan..." Pinipilit ni Ariel na maging matatag, ito ang oras para maging matapang siya... Para sa anak niya... Para sa mga anak niya...
Sa isang tabi ay umiiyak ang kasambahay na pinagbilinan niya ng bata... Tila nakaramdam siya ng galit...
"Nasaan ang anak ko?" Kumalas si Ariel sa ina at tila bagang nagdilim ang paningin niya....
"P-patawad po, Ma'am... Iniwan ko po ang bata kay Margarita para mag CR pero pag-balik ko ho-" Nagulat ang lahat ng isang sampal ang tumama sa kasambahay... Hindi man maintindihan ni Ariel ang sarili ay nagawa niya na...
Kailangan niya ng malalabasan... Pinipilit niyang huwag ipakita sa lahat na nasasaktan siya....
"Pag-nalaman ko na magkasagwat kayo, magbabayad ka! Idadamay ko ang pamilya mo!" saad ni Ariel sa kaniya...
"W-wag po, Ma'am... Nakikiusap po ako... Napag-utusan lang po kami..." biglang lumuhod ang kasambahay sa paanan niya... Nabigla ang lahat ng dahil sa isiniwalat ng katulong... Tama nga ang kutob ni Ariel... Kasabwat ito sa pagkuha ng anak niya..
Nanginig ang mga kamay ni Ariel...
"Ano?!" akmang tatama na ang palad ni Ariel sa mukha ng dalagang kasambahay ng pigilan ito ni Arthur...
BINABASA MO ANG
The Heiress (Transgender-Series)
Romance"Not all dreams are sweet dreams, there might be a nightmare too." ..... Nasha Ariel Gomez, a transgender who found happiness far from her home. But one day everthing turned upside down. It turned in to nightmare. Would you still wanted to dream o...