Sa pag dilat ko ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang isang pamilyar na maliit na tahanan. Isang bahay na nagmulat sa akin kung ano ang tunay na kahulugan ng kasiyahan... Mula sa pagkakahiga ay iniangat ko ang aking katawan.
Walang nagbago... Lahat ay nasa tamang pwesto....
'Isa...', 'Dalawa...','Tatlo...' bilang ko sa aking isipan at saka bumukas ang pintuan.... Iniluwa non ang aking Nanay Beng... Kaagad sumilay sa akin ang isang malapad na ngiti... Nakatingin siya sa akin habang pumupungay ang mga mata niya...
Sa paglapit niya ay isang mahigpit na yakap ang binigay ko...
"Na-miss po kita, Nay..." saad ko... Kusang bumagsak ang mga luha ko ng unti-unti ay naglaho ang taong niyakap ko...
'Nay!' gusto kong isagaw ngunit walang lumabas na salita sa aking labi... The place turned in to luxurious place... The simple things became elegant...
Kaagad kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking mga mata.... I tried standing from the bed at nag tagumpay naman ako... I left my room... Kaagad kong hinanap ang kwarto ng Mom at Dad...
They were on the balcony, drinking their tea... Kita ko ang gulat sa mga mata ng Mom ng yakapin ko siya ng mahigpit....
'Mom! Dad!' sigaw ko sa isipan ko... Tulad ng kanina, ay walang salita ang lumabas sa bibig ko... Naramdaman ko ang kamay ng Dad sa likod ko... But in just few seconds... Unti-unti ay naglaho sila ng parang bula...
Dagat... Malawak at kulay asul na dagat... Napatitig ako sa papalubog na araw sa di kalayuan... Kung iyong susuriin ay tila bagang nasa malapit lang ito...
Napatingin ako sa pamilyar na mga kamay na yumakap sa aking tiyan... Tila bagang bumibilis ang tibok ng takbo ng puso ko... Arthur....
Sa pagtingin ko sa kaniya ay ang nakangiting mukha ni Arthur ang nakita ko... He is smiling from ear to ear... Pero... Pero nakatingin siya sa malayo... Nakatingin siya sa papalubog na araw... As I was about to hold his face ay naglaho muli siya sa hangin.
Sa pagtingin ko sa paligid ay puno ng iba't ibang uri ng magagandang bulalak... Nilapitan ko ang mga ito... Ngunit bago pa man ako makalapit doon ay may dalawang maliit na kamay ang humawak sa akin... Sa pagtingin ko sa aking likuran ay para bang gusting tumalon ng puso ko....
Ang mga anak ko!
Pero bago ko pa man sila mahagkan ay naglaho na sila ng parang bula... Zach! Zayn! Sigaw ko sa aking isip... Walang letra ang lumalabas sa mga labi ko....
I started to run... Tumakbo ako ng tumakbo habang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata... Pero walang hangganan ang lugar na ito... When I was about to move forward ay kusang tumigil ang mga paa ko...
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang bangin... Bangin na tanging dilim lamang ang makikita... Napatitig ako doon... Pero napuno ng galak ang puso ko ng makita silang lahat na nasa kabilang parte ng bangin...
Ang Mom at Dad, Si Nanay, Si Arthur at ang mga anak ko...
"Ariel!"
"Anak!"
"Apo!"
"Mommy!"
Tawag nila sa akin mula sa kabila... Will I jump? Gusto ko silang makasama... Gusto ko silang mahagkan... Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumalon sa patungo sa kabilang banda... Pero I failed... Kita ko ang pagkawala nilang lahat sa kabilang banda ng bangin kasabay ng pagbulusok ko sa bangin nap uno ng kadiliman...
BINABASA MO ANG
The Heiress (Transgender-Series)
Romance"Not all dreams are sweet dreams, there might be a nightmare too." ..... Nasha Ariel Gomez, a transgender who found happiness far from her home. But one day everthing turned upside down. It turned in to nightmare. Would you still wanted to dream o...