Nash Ariel Gomez
I took a glance on the building na nasa harapan ko. Isa ito sa malalaking building dito sa Bacolod...
"Suarez Corporation." basa ko sa pangalan ng gusali.
Kung ikukumpara 'to sa gusali namin sa Maynila ay halos magkasing laki 'to.
Pagkapasok ko ng gusali ay napatingin ang ibang mga tao sa'kin. Marahil ay nagtataka sila kung bakit ako nandito at ganito pa ang kasuotan ko.
Hindi na kasi ako nag-abalang magpalit pa ng pormal na damit. I'm only wearing a blue faded jean, my sneakers, and a white shirt.
"Saan po kayo, ma'am?" tanong sa'kin ng guard.
Inilabas ko ang calling card sa bulsa ko at ipinakita sa Guard. Noong una ay nagtataka pa siya pero kalaunan ay pinapasok na din niya ako.
I went to the reception hall of the building, sandali kong kinausap ang babae sa front desk at may tinawagan lang siya sandali at hinatid niya na ako sa elevator.
"Just click the twenty fifth floor, miss." she said.
Matapos sumara ng elevator ay umandar na 'to. It only took me minutes to get on the floor.
Once the door opened ay malaking bulwagan kaagad ang sumalubong sa'kin. It was oozing with elegance and class. No one could say na wala ka sa Manila once you enter this place.
"This way, miss." saad ng lalaking nasa labas ng isang malaking opisina. The secretary.
Kumatok muna siya at binuksan na ang pinto.
Pagkapasok ko ay sumalubong sa'kin ang nakatalikod na lalaki na naka-upo sa kaniyang swivel chair.
"What made you come here, lady?" tanong niya sa malalim na boses.
Ano nga bang ginagawa ko dito? Arg! Pwede naman akong maghanap ng ibang trabaho.
But I need the money now! Easy money to be exact.
"I need a job." walang pasintabing saad ko.
"Natanggal ako sa trabaho dahil sayo!" medyo napataas ang boses ko.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
Para bang nanonood ako ng commercial ng kung ano mang produkto sa pag-ikot niya ng inuupuan niya.
His eyes met mine. It's dark and yet beautiful. Para bang may humihigop sa akin para mahulog lang sa mga mata niya.
His strong jaw line, his pointed nose at maiitim at makakapal niyang kilay ay lalaking-lalaki. He is an epitome of an Adonis.
But, remember he's a jerk. Or I just thought?
Bumalik lamang ako sa katinuan ng bigla siyang tumawa.
"Parang ngayon mo lang ako nakita ah. Nahalikan na nga kita eh..." saad niya na nag-pamula sa akin. A certified jerk.
Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.
How I wish na hindi na lang ako pumunta dito. Kaasar!
"Aalis na lang ako..." saad ko...
But he seems unbothered when I say those words. Tatalikod na sana ako when his words struck me.
"I know you need my help... Your lola needs a medical treatment... Am I right?"
"How did you know? Are you stalking me?" The first thing that came to my mouth when I confront him. He's just chilling on his chair.
BINABASA MO ANG
The Heiress (Transgender-Series)
Romance"Not all dreams are sweet dreams, there might be a nightmare too." ..... Nasha Ariel Gomez, a transgender who found happiness far from her home. But one day everthing turned upside down. It turned in to nightmare. Would you still wanted to dream o...