Chapter 16

2.4K 138 25
                                    

Sa lahat ng kinatatakutan ko ay maiwan muling mag-isa...


Ang umasa sa mga taong unti-unti ka ng nawawalan ng halaga...


Mahirap, masakit at mapait... 


Ngunit paano nga ba? Paano nga ba masasanay ang puso na may kasama ka ng iba? Hindi ko maunawaan kung saan ba ako nagkulang.


Hindi ko alam kung saan ako nagkamali...


Isang araw matapos ang insidente sa Condo ni Arthur ay nagbago na ang lahat. Naging malamig biglaan ang turing niya sa akin... Hindi man niya sabihin ng harapan ngunit alam kong nag-iba na siya sa akin.

Ngunit ayoko pa... Ayoko pang sumuko... Ngayon pa na may kailangan akong ingatan at alagaan. Ngayon pa na may kailangan akong protektahan...

Komplikado? Oo. Komplikado at magulo.

Nakakalito at nakakapanibago...

Kung gaano kabilis ang paglipas ng panahon, gano'n din ba kabilis kukupas ang kahapon?

Matapos ang gabing iyon... Nag-iba na ng tuluyan ang lahat... Nagsimula na ang bangungot na ayaw kong maranasan... Nagsimula ng lumama ang sakit sa dibdib ko...

Makikita mo siyang ngumingiti at tumatawa sa piling ng iba... Pero puno ng lamig kapag kayo ang magkasama...





"Sumabay ka na sa'min..." saad niya... Saad ng babaeng gusto kong mawala at bumalik kung saan man siya nag mula.... But how do I suppose to say it? I know, I look pathetic...

Hindi ako ganito Katanga at kahina... Pero pag dating sa bagay na 'to sobrang tanga ng puso at isip ko...

"Sige... I'll join ..." saad ko kay Clarisse....

Binigyan niya ako ng ngiti... Ngiti na alam kong puno ng kasinungalingan... Gusto ko siyang saktan... Gusto ko siyang awayin pero hindi pwede... Hindi maari...

"Tara..." saad niya sabay himas sa lumalaki niya ng tiyan...

Sumunod naman ako sa kaniya...

I sit beside Arthur... Nasa harap naman namin si Clarisse...

At ng makaupo na kaming lahat ay nag simula na kaming kumain...

"Arthur..." pukaw ko sa atensiyon niya pero seryoso lang siya sa pagkain...

"Arthur..." tawag ko uli... Ngunit para lang siyang bingi na walang naririnig...

"Can't you see? Kumakain pa ako..." malamig na saad niya... Yup, he treats me that way...

Kita ko ang maliit na ngiti sa dulo ng labi ni Clarisse but I chose not to give a damn about it... I know I am being a fool... Pero kung ito ang paraan para manatili siya ay buong puso kong tatanggapin...

Tanga? Oo...

Pero hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin...

Kahit na alam kong buntis si Clarisse...

Yes, she is pregnant.

Hindi ako tanga pero mas gugustuhin ko na lang maging tanga...

Sabi ni Arthur, Clarisse is pregnant by his boyfriend in UK... But I am not a fool... Hindi siya buntis ng mag tungo siya dito... Ayokong paniwalaan ang sarili ko pero alam ko kung ano ang totoo.

The Heiress (Transgender-Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon