Chapter 17

2.3K 128 25
                                    

Not all dreams are sweet dreams there might be a nightmare too...


Linggo ng umaga, I decided to go at Arthur's condo para surpresahin siya... I know he has been busy because of the company works he had. Pauwi pa lamang siya mula sa Manila mamaya dahil sa isang business conference na naganap doon noong huwebes hanggang sabado...

Kaya panigurado ay ngayong araw ang uwi niya...

To be honest, Arthur and I were not okay. Pero wala akong magawa. Kailangan kong tiisin ang lahat para sa dinadala ko. Kung nakaraang linggo ay hindi pa visible sa mga mata ng tao ang bumubukol sa tiyan ko ngayon ay hindi na...

But I'm still trying to hide it by wearing things na maluluwag sa akin...

The only person who knows how I suffer at night is Nanay Beng. Things were really not normal. There are times na sumasakit ang tiyan ko ng sobra tuwing gabi but the doctor says it's normal from the assessment she had weeks ago.

The baby in my woman womb is slowly growing. Walang pag-kakaiba sa mga babaeng nagdadalang tao ang paglaki ng bata sa loob ko. But the process will not be the same... Ang proseso sa paglabas ng bata ay hindi magiging parehas sa ibang mga babae. BInalaan na ako ng doctor na maari itong maging komplikado at mahirap...

Alam ko na dapat ay masaya ako pero hindi ko pa iyon mahanap sa puso ko. Hindi ko pa alam kung paano maging masaya gayong alam ko na unti-unti ng nagbabago at nasisira ang relasyon naming dalawa ni Arthur sa kdahilanang ayokong tanggapin.

There is a slight slope in the middle of my body. At ngayon, hinanda ko na ang sarili ko. Hinanda ko na ang sarili ko na sabihin at aminin sa kaniya na buntis ako. And I realize, it will never be a demonic thing.

My baby inside my woman's womb is His blessing... We are all a blessing....

Pasakay na ako ng taxi ng maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. I look around and I see no one. But when I am about to enter the taxi ay napansin ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Natatakpan ng cap ang ulo niya kaya hindi ko masilayan ang mukha niya...

" Sasakay ka ba, Miss?" pukaw sa akin ng driver...

Pagtinigin ko muli sa kinatatayuan ng lalaki sa 'di kalayuan ay wala na ito...

Napagpasiyahan ko na lang na sumakay na ng taxi...




Isa. Dalawa. Tatlo.

Sa mahigit na tatlong oras na paghihintay ko ay wala pa ding dumadating na Arthur. I tried calling him pero nakapatay ang telepono niya... I cook all his favorite food dahil gusto ko siyang surpresahin sa munting hinanda ko...

Hindi ko namalayan ang oras at dahil sa sobrang antok ay nakatulog na pala ako sa Balcony ng unit ni Arthur... Napatingin ako sa kalangitan. Madilim na. Puno na ng bituin na kumikinang kalangitan.

Narinig ko ang pag-bukas ng pintuan ng Kwarto ni Arthur kung nasaan ang Balcony. Kaya naman kaagad kong inayos ang sarili ko.

Lalabas na sana ako ng makarinig ako ng dalawang boses ng tao... Boses ni Arthur at Clarisse...

Naestatwa ako sa kinatatayuan ng marinig ang mga hagikgik ni Clarisse na para bang sarap na sarap sa bagay na ginagawa sa kaniya... I chose to stand begind the curtains. Pero kita ko ang pagpasok nila sa loob ng kwarto ni Arthur....

Halos mapatakip ako ng bibig ng makita ko sila na wala ng damit pang i-taas at naghahalikan. Gulo ang buhok ni Arthur at kapansin-pansin na nakainom siya ng alak, halata ang saya sa mga mata ni Clarisse... I tried standing straight but my feet will not allow me...

The Heiress (Transgender-Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon