CHAPTER 21: BROWNIES

23 2 2
                                    


ANGELA'S POV

Naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang cafeteria. Maingay, magulo at masikip na daanan ang dinadaanan namin dahil lunch time na at excited na naman ang ibang estudyante na lumabas para kumain, makipagchikahan at magrambulan. Ordinaryong scene kapag lunch time sa school. 

Sa sobrang ordinaryo ng araw na ito bigla kong naramdaman na may sumiko sa akin. Napatingin ako sa kanan at ang nakita ko lang ay puro mga batang nagchichikahan sa may locker. Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko naman ang mga magjowang pasikretong umaalis sa hallway. Luh sanaol. 

"Pst! Angela!" sabi nang isang boses na nabubulunan. Napatingin ako sa kanang side ko at binaba ko ang aking tingin. 

"H-Hehe hello Lhennie! Andyan ka pala" sabi ko pero bigla namang tinakpan ni Lhennie ang aking bibig. Uh, Anong meron? 

"Wag ka maingay! Shh!" bulong ni Lhennie sakin habang lumalaki laki pa ang mga mata. Luh ano ginagawa nito? Panibagong roleplay bilang isang secret agent?

"Ano bang meron?" tanong ko sakanya. 

Napalunok muna si Lhennie at bigla siyang tumingin sa harap namin. Ang nakikita ko lang ay si Hazel na nangungunang naglalakad at ang mga estudyanteng pabalik sa mga classrooms nila. Wala namang weird, si Lhennie lang weird. 

"Wala ka bang napapansin kay Hazel? Huh? Huh?" tanong nya sabay tinaas taas ang dalawang kilay. Eh? 

"Wala naman? Bakit anong meron?" taka kong sagot sabay tingin kay Hazel at sabay balik ng tingin kay Lhennie. 

"Luh? Huhu kanina pa kasi siya wala sa sarili niya eh." saad ni Lhennie sabay nguso kay Hazel. 

'mukhang di naman?' 

Napatingin ulit ako kay Hazel na nangunguna sa amin. Wala namang weird sakanya, tahimik lang naman siyang naglalakad sa unahan, mukha namang okay lang siya, at di naman namumutla━

"H-Hala sorry po!" sabi ng isang student na hula ko ay mas bata sa amin. Nagkabanggaan kasi sila ni Hazel. 

'oo nga no? may mali.'

"Omg! S-Sorry rin." sabi rin ni Hazel at yumuko sa student na nakayuko rin sakanya. 

Naka-ilang sorry pa sila bago umalis ang student na nakabanggaan ni Hazel kasama ang friends nya. Sinundan namin ng tingin ang grupo ng student na yon at binalik ko ang tingin si Hazel na nakatanaw parin sa papalayong student. Napalingon sakin si Hazel at gulat na tumitig. 

Ngumuso ako sakanya at alalang tumingin. "Ayos ka lang ba? May problema ba?" tanong ko pagkatapos ko siyang lapitan at akbayan. Tumuloy kami sa paglalakad, siya sa gitna, ako sa kanang gilid at si Lhennie sa kaliwa na mukhang naglalakad na parang siga. Astig peg niya ngayon, hayaan na. 

Napaface-palm nalang ako at hinayaan nalang siya sa trip niya. Nakarating na kami ng cafeteria at nakapag-order na't lahat hindi parin ako sinasagot ni Hazel. Mukhang malalim ang iniisip niya at sa tingin ko ay hindi problem ang kinahaharap niya ngayon kundi, overthinks. 

"Bebe ko na Hazelnut, okay ka lang?" biglaan kong sabi na nagpalingon sa kanya sa aking direksyon. Napalingon rin samin si Lhennie pero binalik naman agad ang pansin sa kinakain na carbonara at leche flan. Chika is layf, but kain is layfer─ ika nga nang isang feeling astig ngayong araw. 

"Uh, Okay lang naman ako." biglaang sagot ni Hazel kaya naman nalipat ang atensyon ko sakanya. Hayaan ko munang kumain si Lhennie. 

"Sigurado ka? Kanina ka pa kasi wala sa sarili." seryosong saad ko na may halong pag-aalala. Napakurap-kurap nang ilang beses si Hazel bago iniwas ang tingin sa akin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon