CHAPTER 1: UNANG PAGKIKITA

74 5 3
                                    


ANGELA'S POV


Tumatama sa maganda kong mukha ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto.

"Hayss ang ganda talaga ng gising ko kasing ganda ko~~~ HAHAHAHA"
kanta ko sa sarili ko.

Sa ngayon nag-aayos na ako ng sarili ko dahil mag jojogging ako sa park malapit sa bahay namin.

Pagkababa ko ay nakita ko si mommy na nagpupunas ng lamesa.

"Ohh anak ang aga ng gising mo ah"
Sabi ni mommy habang nasa lamesa naghahanda ng plato.

"Di ka pa po ba nasanay sa akin mommy hehe" sabi ko habang naghihintay ng makakain.

'ganda ng gising ko'

"Ohh heto eat ka muna ng breakfast"
Sabi nya then binigyan ako ng bowl of cereals and fresh milk.

"Thanks mommy" sabi ko sabay nilantakan ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush ulit ako para naman fresh ang aking hininga.

Nagpaalam na ako kay mommy at umalis na. Pupunta kasi ako sa park malapit sa amin dito sa village.

Ilang minuto pa akong nag ja jogging ay nakarating narin ako sa park. Maraming bata, maraming naglalaro, nagkwekwentuhan.

Napag-isipan kong magjogging paikot sa kabuohan ng park.
Habang nagjojogging ako tinitignan ko ang mga batang naglalaro.

'Ang cu-cute nila kasing cute ko hehe'

Pagkatapos kong tumakbo paikot ng tatlong beses ay napagdesisyonan kong maupo muna ako sa bench na malapit.

Habang nagpapahinga ako may naririnig ako tunog.....

'Ano kaya yun? '

~shik~shik~shik~

'Uhmm tunog ng rubiks cube'

Tingin dito 👈

Tingin don👉

Tingin sa taas👆

Tingin sa baba👇

"Hoy para kang ewan dyan"
Sabi ng isang misteryosong boses.

"Ay hoy! " gulat kong pasigaw.

"Hoy karin!!... FYI may pangalan ako!"
Gigil na sambit ko.

'May pangalan kaya ako ANGELA pa
nga eh'

"Nasan kaba? Kakatakot ka kuya may pa mysterious effect ka pa! "
Sigaw ko kung saan ko narinig ang misteryosong boses.

Sigurado akong lalaki yun..

'Ewan ko lang kung tama ba. ANG CREEPY'

"Nandito ako sa baba ng puno di mo lang makita madilim kasi alangan tss"
Sabi nung misteryosong boses.

Tumingin ako dun sa sinabi nya at may na aninag akong tao.

'Tama nga sya di lang sya nakikita...pero ang CREEPY parin'

Pumunta ako sa may puno at tumabi medyo kay kuyang nagrurubics hehe papacute joke titignan ko lang kung anong itsura nya.


LOUIS POV

Ang weird ng babae na tumabi sakin ng onti tss.

Imbis na nanahimik ako dito makikigulo pa toh hulaan ko.

Pero, napansin ko ang GANDA nya pala. Katamtaman ang haba ng buhok,pinkish na labi...

'Ehem* Ano bang nangyayari sayo Louis'

Naalala ko tuloy kanina.....

FLASHBACK•

Naka-upo ako ng payapa sa ilalim ng paborito kong puno sa park.
Nagrurubiks lang naman ako dahil nababagot ako sa bahay kaya pumunta ako dito.

'sayang oras ko'

Yun na nga naglalaro ako ng rubiks na may makita ako ng babae na nagjojogging.

Umupo sya sa bench na malapit sa puno na kung saan nandun ako.

Hindi ko nalang sya pinansin.

'Hayss maganda ditong tumambay sa ilalim ng puno kung saan tahimik at payapang nakakapaglaro ng rubik--s

Ng biglang tinignan ko yung babaeng nakaupo sa malapit na bench.

Tingin sya ng tingin sa iba't-ibang direksyon.

Tingin dito👈

Tingin doon 👉

Tingin sa taas 👆

Tingin sa baba 👇

'Ano bang ginagawa nya para syang ewan'

"Hoy para kang ewan dyan"
Sabi ko sakanya.

"Ay hoy! " gulat nyang sigaw.

"Hoy karin!!..FYI may pangalan ako!"
Gigil na sambit nya.

'Inaano ko ba sya?'

"Nasan kaba? Kakatakot ka kuya may pa mysterious effect ka pa! "
Sigaw nya sa malapit sa pwesto ko.

Alam ko na. Hindi nya ako makita kasi madilim masyado dito sa may ilalim ng puno.

"Nandito ako sa baba ng puno di mo lang makita madilim kasi tss"
sabi ko sakanya.

At pumunta naman sya sa pwesto kong mapayapa sana tss.

•END OF FLASHBACK•

Sa kasalukuyan masyado na syang malapit sa akin at iniinspeksyon ang bawat parte ng mukha ko.

"Kuya bakit ka kasi nasa madilim na part ng lugar na to?Bampira kaba?
Wala sa sarili nyang tanong.

Tss ako bampira no way!

ANGELA'S POV

Inispeksyon ko ang mukha ni kuyang misteryoso.

Cute rin pala sya,nakasalamin at parang boring ang boung tanang buhay nya may hawak syang rubiks na kung saan kanina narinig ko.

"Kuya bakit ka kasi nasa madilim na part ng lugar na to?Bampira kaba?
Wala sa sarili kong tanong.

'Pak bat ko yun tinanong ?'

~Iling iling iling~

"Tss"
Galing sa boses ni kuyang misteryoso sabay tayo at dahan dahang umalis
Huhuhu nangiiwan sa ere.

HAHAHAHA joke lang

Tumayo na ako at akmang aalis na pero may nakita ako sa may damuhan kung saan umupo si kuyang misteryoso.

may naiwan si kuyang misteryoso na....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Parte ng rubiks cube.

Hayss burara

Luminga linga ako sa palagid ko at hinahanap si kuya ngunit wala na sya pano ko kaya ibibigay to?

~~ITUTULOY~~

************************************

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon