CHAPTER 15: SECRET ADMIRER NI HAZEL

9 3 0
                                    


ANGELA'S POV

"Ma'am Angela! May bisita po kayo! " sigaw sa akin ng isa sa katulong namin

Grabe naman makasigaw toh! Kala mo amo haha char! Pero seryoso, nag-iingay sya kung kelan ako nagsusulat ng kanta! Seryoso?! Aysss!

"Papasukin mo nalang po dito sa loob! " sigaw ko din sa kanya at ibinalik ang pansin sa ginagawa.

Ilang sandali pa ay may pumasok na babae sa loob ng kwarto ko. Babaeng naka- long sleeve na damit, nakapantalon at naka white shoes. Napatingin ako sa kanya,  naka pigtale ang babaita!

"Hii Angela! " bati sa akin ni Lhennie pagkatapos ay umupo sa kama ko

"Hi rin! Bakit ka naparito? " tanong ko sa kanya na may pagtataka sa mukha

"Wala trip ko lang haha! Gusto ko sanang tumambay, dito sa bahay nyo" sagot nya sa akin tinanguan ko lang ito at hinayaan na ilibot ang mga mata sa aking silid

"Ah Angela,  may piano ba kayo dito? " biglang tanong nya kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Uhm meron, sa kwarto nila mommy" sagot ko dito habang pinanliitan ko ng mata. Ngumiti lang si Lhennie na para bang nanghihingi ng permiso para pumunta doon at magpatugtog

#sanaalltalentedhaha

Ngumiti lang ako dito bilang pagsang-ayon. Kailangan ko narin kasing sabayan ng instrumento itong kanta na ginagawa ko at sa tingin ko bagay na mag collaborate kami ni toh ni Lhennie.

Naglakad na kami papuntang kwarto. Nasalubong pa namin si mommy na kalalabas palang. Mukhang pupunta sa trabaho.

"Mom, pwedeng patugtugin yung piano sa loob ng room nyo? " tanong ko dito. Nginitian nya ako at tumango

Narinig ko namang napa YES si Lhennie ng mahina kaya naman natawa ako. Tinanguan namin si mommy sabay pasok sa kwarto. Wala naman si daddy kasi nasa ibang bansa sya. Actually mag -iisang taon na syang nandoon at hindi pa umuuwe pero sabi ni mommy malapit na syang umuwe. Inaasikaso kasi nila ang kanilang business.

Nilbot namin ang aming mga mata sa loon ng kwarto. Simpleng disenyo lang ang nakalagay dito sa loob. May dalawang bookshelf at isang study table. Isang king size bed at isang flat screen tv. May isang sofa rin na kulay gray.

Agad na lumapit si Lhennie sa piano na nakakaagaw pansin dahil kulay puti ito. Naupo sya dito at binuksan ang takip nito.

"Marunong ka nyan? " tanong ko habang papalapit sa kanya

"Hindi masyado" sagot nya sabay lingon sa akin para ngumiti ng matamis.

Nagsimula na syang magpindot ng keys ng mabagal. Halatang hindi pa nya masyadong gamay ito pero maganda parin ang tunog kahit mabagal ang pagpindot. Tahimik lang kami at tangin ang tunog lang ng piano ang naririnig.

Napahinto ako saglit ng marinig ang pinatutogtog nyang kanta. Napangiti nalang ako ng palihim. Musika ang nagpapasaya kay Lhennie. Hindi ko maiwasang mamangha sa babaitang ito. Alam ko naman na meron kaming sari-sariling unique na kakayahan kaming magkakaibigan. Minsan lalabas nalang bigla kung kinakailangan haha.

Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside

Your love is like a river
That flows down through my vein
I feel the chill inside

Kanta ko sa chorus kaya naman natigilan si Lhennie sa pagtugtog. Taka ko naman itong tinignan at tinanong.

"Bakit?" tanong ko sa kanya

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon