CHAPTER 18: STUBU?

12 3 0
                                    

ANGELA'S POV

"Angela, pupunta mommy mo mamaya dito? " rinig kong tanong ni Benedict sa akin.

Kuhaan kasi ng card ngayon kaya naman umingay lalo si Benedict. Si Lhennie tumahimik naman, at si Hazel ay nakangiti ng wagas.

"Oo naman" sagot ko sa kanya pagkatapos ay humigop sa float ko.

"Kinakabahan ako." saad ni Lhennie na nanginginig ang kamay.

'kakaiba. May kakaiba sa kanya.'

"Wag kang kabahan Lhennie! Nandito kami!" masiglang saad ni Hazel sa kanya.

'sige Hazel!'

Tumahimik na ang paligid nang maghead down si Lhennie sa hindi malamang dahilan. Ewan ko pero parang naninibago ako sa ugali ni Lhennie nitong nakaraang mga araw.

"Wag masyadong malalim ang iniisip, baka mabaliw ka!" paninindak ni Hazel.

'panong sindak!'

Narinig naming bumuntong hininga si Lhennie. Alam kong may problema sya pero ayoko namang makialam agad kasi kilala ko na siya, sya yung tipong magsasabi nalang bigla, yung taong iiyak nalang biglaan pagmabigat na ang dinadala nyang problema.

Ngumiti lang si Lhennie na para bang sinasabing 'kaya ko to!'. Yan ang Lhennie namin na kilala! Matatag!

"Yan ganyan nga!" sigaw ni Hazel sa kanya habang tuwang tuwa na pumapalakpak.

Siniko naman sya ni Benedict dahil dito.

"Para kang ewan!" sigaw nya mismong mukha ni Hazel.

"Ikaw naman parang kiti-kiti!" pabalik na sigaw sa kanya ni Hazel.

"Pano mo nasabi aber?" taas kilay na tanong ni Benedict.

'ang gulo nila tsk.'

Nagkatinginan nalang kami ni Lhennie at walang imik na nanood sa bangayan ng dalawa.

Distribution of card....

"Mrs. Mendez!"tawag ni ma'am kay mommy.

Tumayo na si mommy at nag-umpisang pumunta sa harapan upang kunin ang card. Matapos makuha ang card ay excited syang pumunta sa upuan namin.

"Tignan natin kung mataas ba yang grade mo!?" pang-aasar ni mommy.

Napanguso nalang ako at tumingin sa paligid hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa mata ni Louis na nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko nang bigla syang umiwas ng tingin. Bakit mo ko tinitignan huh?

Napadako ang tingin ko sa katabi ni Louis, mommy nya at Lucy sweetie. Magkakasama pala silang tatlo ah. Mukhang napansin ni Lucy na may nakatingin sa kanya kaya naman inikot nya ang paningin nya hanggang makita nya ako.

Ngumiti sya ng malaki at nagpaalam sa mama nya na siguro na pupunta dito. Tumango naman ang mama nya at tumingin sa amin. Ngumiti ako dito at sabay tumingin sa katabi nyang nakatingin rin sa akin. Napanguso nalang ako at tumingin sa grade ko.

"Hi ate!" masiglang bati ni Lucy sa akin matapos mangalabit.

"Hi rin! Upo ka dito." sabi ko sa kanya, tsaka hinila ang upuan palapit sa akin.

"Thank you po! " nahihiyang sambit nya.

Nakacream sya ngayon na dress at naka braid ang kanyang maalon na buhok na nagba bounce haha.

"Kamusta kana?" tanong ko dito. Nginitian nya ako.

"Okay lang naman po." cute nyang sambit.

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon