CHAPTER 13: CHOCOLATE

9 3 0
                                    

LHENNIE'S POV

Di ko alam kung anong dahilan kung bakit nandito si Meya. Baka para kausapin ulit si Jeffrey? Para sampalin ako? Para gumawa ng eksena? I dunno talaga haha.

Eto na ba yung sinasabi namin kanina na may mangyayari?. Ewan ko lang talaga kung ano ang mangyayari.

Kasalukuyan kami ngayong nakikiusyoso sa pag-uusap ni Meya at ni Jeffrey. Mukhang seryoso si Jeffrey ang friends pero si Meya 'da one and only' ay nakangiti ng nakakaloko.

"Ouy Angela,Hazel, at Lhennie.... Di nyo ba tatanungin kung bakit ako nandito? " nakangisi ni tong tanong

Nagkibit-balikat lang kami kaya naman nawala yung nakakaloko nyang ngisi at napalitan ng pagka-inis.

'feeling ko meron ngayon si Meya haha!  Shh kalang! '

"Di nyo talaga alam? " nagsalubong ang mga kilay ni Meya sandali pero bigla nalang ngumiti ng peke

"Nangungumusta lang naman ako at makikigulo narin dito sa school nyo" sabi Meya habang nirorolyo ang dulo ng kanyang buhok sa kanyang darili

"Ah yun lang pala, geh una na ako! " sabi ni Angela tapos kumaway at mabilis na naglakad papunta sa sasakyang di namin kilala kung kanino.

"Bakit nilayasan ako nun? Lakas ng loob grabe! " malditang sambit ni Meya sabay inis na nagpapadyak

"Hindi sya interesado sa gusto mong sabihin tsk! " walang ganang sabi ni Hazel kay Meya

Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos sabihin ni Hazel yun. Wala ni isang nagtangkang magsalita. Parang isang nakakahindikhindik na pangyayari ang gagawin mo kung magsasalita ka. Nagtitinginan lang kami at sabay sabay na humihinga.

"Awkward!" pagbabasag ni Benedict sa katahimikan at sumibat na.

Magsasalita na sana si Meya kaso hindi natuloy kasi tumunog ang cp ko hudyat ng may nagTEXT....... Dinukot ko ito sa bulsa ko atsaka tinignan.

Benedict G.

Lhennie di kita ihahatid ngayon, may gagawin pa ako eh.

'shocks ang lamig! '

"Grabe bumababa na ba ang temperature sa bansa natin?" parinig ni Hazel sa tabi ko kaya naman napatingin sina Jeffrey sa gawi namin.

Ngumiti lang ako ng pilit at nagreply kay Benedict ng 'okieee' pagkatapos ay nakiusyoso na naman sa usapan

"Gulo talaga ang pakay ko dito, kaso natamad na ako eh" maarte nyang sabi sabay tingin sa aming lahat

"So aalis na ako! Bye! " sabi nya habang naglalakad at nagflip hair pa si Meya. Ganda na sana ng exit kaso natalisod pa kawawa haha.

Nang makaalis si Meya ay nagsalita na sila Jeffrey at nagdesisyon ng umuwe kaya naman nakisali na kami.

'#boredangno.1marupok



ANGELA'S POV

Time check  6:43 pm

Hayss. Nandito ako ngayon sa kwarto at prinapractice ang kakantahin ko na naman. Naging maganda ang kinalabasan ng practice namin kanina. Nakita ko kanina si Lucy at si mommy----este tita.

"Angela kakain na! " sigaw ni mommy mula siguro sa may hagdanan

"Okay po" sigaw ko pabalik dito

Nagmadali na akong tumayo sa kama at bumaba na para kumain. Pagkaupo ko palang ay nagdasal na ako at kumain na.

After 1 hour

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon