CHAPTER 17: KRISTIAN KEAN RIVERA

12 4 0
                                    

Note:

POV lang po ni Lhennie yung mayroon sa chapter na ito... Sa susunod na chapter nalang po yung kay Angela hehe (p^ェ^q)







LHENNIE'S POV

Napangiti ako dahil sa sinabi ni kuyang gwapo pero kahit ganun nakaramdam parin ng lungkot dahil sa nakita ko kanina.

Tumingin sa akin si kuyang nakasalamin at medyo inayos pa ang bilog na salamin.

"Wag mo ng isipin yung nangyari kanina" sabi nya sabay ngiti ng tipid.

Tumango lang ako at ngumiti ng kaunti. Binaling ko ang paningin ko sa langit.

"Salamat" sabi ko dito pero nakatingin parin sa langit.

Naramdaman ko na bigla syang tumingin sa akin. Nilingon ko kaagad naman sya tsaka nginitian ng tipid.

"Sino ba yun? " tanong nya habang nakatingin parin sa akin.

Nakuha ko naman agad ang tinatanong nya. Nginitian ko ulit sya sabay sinagot ko ang tanongin nya.

"Si Benedict, taong gusto ko pero akala ako ang gusto haha" sagot ko sa kanya sabay tawa ng peke kahit tumulo na ang paepal ko na namang luha.

Seryosong tinignan ako nung lalaki sabay tango at tumingin sa ibang gawi para siguro hindi makita ang luha kong bigla nalang nahulog.

"Ano palang pangalan mo? " biglang tanong ko na nagpalingon sa kanya.

"Kristian Kean Rivera" sagot nya sabay ngiti ng konti.

Tumango lang ako at ngumiti ng tipid sabay abante para gumalaw ang swing na kinauupuan ko. Marami pa sana akong gustong itanong kay Kristian ngunit ayaw bumukas ang bibig ko para dumadal.

Malamig na hangin ang humampas sa aking katawan na tila sumasabay sa nararamdaman ko ngayon. Nakatanaw ako sa mga ulap na nakalutang sa langit.

Hindi ko alam kung bakit nangyari na naman ito sa akin. Bakit na naman ako nasasaktan? Ah oo nga pala tanda ko na. Maraming gumugulo sa isip ko. Kumikirot na naman ang puso ko.

Napahawak ako sa kanang dibdib ko upang pakiramdaman ang puso ko. Ayan na naman! Mahina kong pinapalo ito para maibsan ng kaonti ang kirot na nararamdaman.

"Sa susunod nalang natin pag-usapan ang mga bagay na ito. Sa ngayon ay umuwi na tayo " sambit ni Kristian atsaka inilahad ang kanyang kamay sa harapan ko.

Inabot ko naman ito atsaka tumayo na sa pwesto para sa pag-alis. Naglakad na kami ng magkahawak ang kamay pabalik sa parking lot kung saan naghihintay ang kanina ko pang sundo.

Nang makarating na sa parking lot ay hinatid na ako ni Kristian sa tapat ng kotse. Nginitian nya ako na para bang sinasabi na magiging okay lang ang lahat. Nginitian ko naman sya pabalik at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Nang makauwe na sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Hinilata ko ang sarili ko sa kama at tumitig sa puting kisame. Bakit ba ganito? Maging maayos sana ang lahat pagkatapos ng araw na ito.

"Benedict, bakit ganito? " bulong ko bago tumulo ang kanina pang nagbabadya na luha sa mata ko.

Akala ko talaga, ako na. Mahirap talagang mag-assume. Masasaktan kalang. Diba ganun naman yun? Pag nag-assume ka it's either matutuwa ka or masasaktan ka.

Okay lang naman ako diba? Magiging okay ako. Kailangan maging okay ako bukas. Wala ng ibang paraan. Itago mo nalang, wag mong ipakitang nasasaktan ka. Ipakita mong masaya kahit hindi. Doon naman ako magaling haha. Sa pagpapanggap na masaya ako kahit hindi naman.

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon