CHAPTER 11: I LIKE HIM

19 4 4
                                    


LHENNIE'S POV

Monday naman at natapos na ang flag ceremony namin. Kasabay ko si Benedict pumanik sa classroom namin. Nakakamiss rin sila Angela at Hazel, di kasi kami nag usap nung weekends eh.

Tahimik lang kaming umaakyat sa hagdanan nang biglang may humawak sa kanang balikat ko. Kaya naman gulat akong napatingin dito.

"Ah eh--" utal kong sabi dito.

"Hii Lhennie, sabay na ako ah? " ngiti nyang sambit at sinabayan ang paa kong humahakbang pataas.

Nagulat naman si Benedict dahil may kasabay na kami,  kaya naman hinawakan nya ang wrist ko at hinigit palapit sa kanya. Nagtaka naman ako sa ginawa nya.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming umaakyat dahil narin siguro sa kalituhan sa mga ginagawa ng dalawang to.

Napansin kong wala sa sarili si Benedict kaya naman hinigit ko rin sya palapit sa akin at hinila sya kahit tumatakbo paakyat.

Makalipas ang ilang minuto ay hingal na hingal kaming nakapasok sa loob ng room. Malamig narin ang classroom namin dahil sa naiwang kakabukas na aircon. Sinulyapan ko si Benedict at nakita kong ang gwapo nya kahit pinagpapawisan hihi.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan Lhennie?! " gulat na tanong ni Benedict sakin ng mahuli nya akong sumusulyap habang nakapwesto na kami sa sarili naming upuan.

"Kasi napansin ko lang na ang gwapo mo hihi" kumukurap-kurap ang mga mata ko habang sinasabi ito.

Nagulat naman si Benedict at hindi alam kung ano ang ire-react nya sa sinabi ko kaya naman pipisilin ko na dapat yung pisngi nya ng biglang magdatingan ang mga machika kong kaklase at nagingay na kaya naman hindi ko na nagawa ang balak ko haha.

Ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko kay Benedict, kakaiba rin ang nararamdaman ko kapag nandyan ang presensya nya at may kung anong nagwawala sa sistema ko kapag kausap sya.

Hindi ko namalayang nag-uumpisa na ang unang klase namin. Wala rin naman akong nagawa kundi makinig nalang at intindihin ang mga tinuro ng mga lec namin.

Pero kahit anong gawin kong pakikinig ay hindi ito pumapasok sa utak ko. Kaya naman inayos ko paunti unti ang magulo kong isipan.

Nang mapasulyap ulit ako kay Benedict na nagsusulat ng notes ay may narealize ako....

Alam ko na ang sagot sa mga tanong na nagkukubli sa isipan ko.....

Kailangan kong kausapin sina Angela at Hazel tungkol dito!

ANGELA'S POV

Nakikinig lang ako sa klase ng mabahing ako.

"Ayos kalang ba? " bulong sakin ni Lance kaya naman tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

'parang may nakakaalala sa akin ah? '






HAZEL'S POV

Nandito kami ngayon sa malawak na field ng school dahil mag re race daw kami paikot. 3 beses kaming iikot sa malawak na field na toh!.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nag stretching na kami para sa paghahanda sa pagtakbo. Abala ako sa pag inom ng tubig dahil sa kainitan ng bigla akong napabahing.

'gagi may nakaalala sa akin! Sino yun? '




ANGELA'S POV

Nag break time na at napag disesyunan ko nang pumunta sa paboritong lugar ni Lhennie.

Naiinis akong nag-ayos ng gamit at lumakad papunta sa paroonan. Napapaisip nalang ako  habang naglalakad dahil naalala ko ang mga bata na naglalaro sa lansangan at pinagbubuhatan ng kamay ng kanilang mga magulang. Ang mga batang walang ginawa kundi kumayod para sa kinabukasan niya at ng mga kapatid nya.

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon