CHAPTER 12: MEYA

18 3 0
                                    


Hii!
Update ko na po ito haha. Enjoy!



CHAPTER 12: MEYA

ANGELA'S POV

Maayos naman ang umagang bumungad sakin papasok sa school. Magandang panimula sa araw na ito sa tingin ko. Hindi ko mapagkakaila na natuwa ako dahil sa confession na ginawa ni Lhennie kagabi.

Eto na nga naglalakad na ako papunta sa locker ko ng makita ko si Lhennie na naglalagay ng notebooks sa kanyang locker, kaya naman nilapitan ko na sya.

Mukha pa syang nagulat dahil sa biglaang paglitaw ng isang Angela sa tabi tabi haha.

Ngumiti naman agad si Lhennie at bumati sakin. Bumati rin ako sa kanya at sinabing sabay na kami paakyat sa hagdan, sumagot naman ito ng oo.

Habang naglalakad na papuntang hagdanan ay kwento sya ng kwento ng kung ano ano..... Tulad ng kung ano ang ginagawa nila lagi ni Benedict, pagkain na kinain nya nung isang araw, parehong kulay ng T-shirt nila ni Benedict, at marami pang iba.

Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan na naguumapaw sa sistema ni Lhennie, masyado syang masaya ngayon!.

Paakyat palang kami ng hagdanan at
nakaka-lima palang kaming baitang nang may pumantay sa lebel ng baitang na hinintuan namin. Tinignan agad namin ito at nagulat ako ng makita kong nakatitig sa amin---akin si.........

"Louis" mahina kong sambit dito

"Yeah, that's my name...Tss" bored nitong sambit sabay iwas ng tingin sa amin------akin

Ilang minuto rin kaming natahimik nang biglang may tumunog na cp hudyat kapag may nagtext , kaya naman kakapain ko palang ang bulsa ko ng biglang magsalita si Lhennie.

'oh uh! Wag! '

"Uhm Angela, mauna na ako sa inyo ah! Nandun na kasi sa taas si Benedict hihi! Bye!!! " masigla nitong sabi sabay kumaripas ng takbo paakyat.

'bakit!?? '

Nagsimula na akong umakyat ng hagdan at hindi pinansin ang nasa likuran kong tao. Di ko na mamalayan na sumabay na ito sa akin na naman!.

"Angela, mag practice tayo mamaya? " pagtatanong nya sakin.

'hindi sigurado amp! '

"Ah eh....S-sige" utal kong sambit dito na nagpataas ng kilay nya.

"Why are you stuttering? Huh? " malapitan nyang tanong.

'bakit nga ba? '

"Ah i dunno? Bye! " sabi ko sabay takbo na paakyat para makaalis sa tabi ng mingming nayun haha.

Ewan ko ba kung bakit ako tumakbo, siguro naiilang ako sa tingin nya sakin. Bakit kasi ang lapit nya?

Nakadating ako sa upuan ko ng hinihingal kaya naman tinanong ako ni Lance kung bakit ako hinihingal pero sinabihan ko lang sya ng...

"Nakisali ako dun sa mga tumatakbo sa labas ng gate! Wala akong dalang kotse! " ako

Eto namang si Lance, naniwala haha. Kaya nakahinga ako ng maluwag at nakaupo na ng maayos ng biglang mag-ingay na naman ang mga kaklase ko.

"Shhh" saway ko dito sabay tingin ng masama.

Gumawa ako ng mga bagay na pwedeng makalimutan ang masalimuot na pangayayari kanina.

Kaso lang ......

Napako ang mga mata ko sa kapapasok lang ng classroom na si Louis. Kitang kita sa bibig nya ang isang nakakalokong ngiti na nag pakilabot ng bou kong katawan.

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon