CHAPTER 20: REVEALING HAZEL'S SECRET ADMIRER

20 4 7
                                    


ANGELA'S POV

"Anong gusto nyong pag-usapan?" biglaang tanong ni Hazel na humihigop ng milktea. Nakataas ang kanyang kilay habang nagtatanong.

Nagkatinginan kaming nasa round table. Ako, si Lhennie, Kristian, Hazel, at kasama si Louis. Ewan ko ba kung bakit sumama si Louis samin. Niyaya sya kanina ng mga kaibigan nya pero tinanggihan nya ito at nagpumilit na makijoin sa amin.

Nagkibit balikat lang si Lhennie na ngayon ay naglalaro sa cp ni Kristian. Hindi ko alam kung paano naging close itong dalawang toh pero mukha namang okay lang si Lhennie sa lalaking ito. Sa ngayon hindi ko muna iisipin kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Wala bang magandang pag-usapan?" napanguso sya dahil wala ni isang nagsalita at sumagot sa kanya. Nagkibit-balikat nalang ako nang magawi ang kanyang tingin sa akin.

Naging abala kami sa pag se cellphone pagkatapos non. Ilang saglit pa ay may isang di katangkarang lalaki ang lumapit sa amin. Masasabi kong isa syang junior student. May dala syang bulaklak at paper bag na kulay pink.

"Uhm." tikhim nya.

Napatingin ang iba sa kanya. Binaba nila ang kani kanilang cellphome at tinuon ang atensyon sa lalaking tumikhim. Inilibot ko ang aking paningin kaya nakita ko kung anong itsura nila.

Kumukurap si Lhennie habang si Kristian ay walang emosyong nakasandal sa upuan. Naka krus naman sa dibdib ni Louis ang kanyang kamay. Si Hazel ay nakatulala lang sa lalaking dumating.

Wala ni isang umimik kaya naman lakas loob na akong nagsalita.

"Bakit? Anong kailangan mo?" mahinahon kong tanong dito kaya naman napagawi ang kanyang tingin sa akin ngunit agad itong binawi. Parang may nakatingin sa kanya ng masama pero di ko matutukoy kung sino ito.

Umubo sya ng kaunti at dahan dahang inilahad ang bulaklak at paper bag na pink sa harap ni Hazel. Takang tinignan ni Hazel ito.

"M-may n-nagpapabigay." nagpunas sya ng pawis pagkatapos itong sabihin kahit naka aircon sa cafeteria.

Parang switch ito upang malaglag ang panga ni Hazel. Ang naglalarong tanong sa isipan ko ay....sino ang nagpabigay nun? Posible kayang....

"T-thank you" utal na sagot ni Hazel na nagpaalis sa lalaki.

Nanlalaki pa ang mata nyang tumitig sa aming nanonood sa kanya. Dahan dahan nyang itinuon ang kanyang tingin sa paper bag. Unti unti nya itong binuksan at parang hindi sya humihinga habang ginagawa ito.

Nanlaki ang kanyang mata nang makita nito ang laman sa loob. Natulala sya ng matagal at walang kibo sa kanyang upuan. Ilang sandali pa ay... Walang pasabing hinablot ni Lhennie ang paper bag kay Hazel na nakatulala. Nagulat pa ako dito ngunit pinabayaan ko nalang. Nakita kong umiling iling si Krisitian pagkatapos tumikhim.

Agad na sinilip rin ni Lhennie ang laman ng paper bag na pink at ganun din ang reaksyon nya ngunit nagbago ito at naging mas exaggerated. Napatingin sya sa amin nang nanlalaki ang mga mata at may pa taas taas pa ng kilay. Unti unti syang yumuko na ipinagtaka namin. Inuntog nya bigla ulo nya ng mahina ng ilang beses at nagtigil lang sya sa paguntog ng ulo sa lamesa nang saluhin ni Krisitian ang kanyang noo para di tumama sa mesa. Pinitik nya ang noo ni Lhennie nang napatingin ito sa kanya.

"Aray ko!" mangiyak ngiyak na sambit ni Lhennie. Napalakas ata kasi ang pitik sa kanya.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Krisitian na ngayon ay seryosong nakatitig kay Lhennie. Napanguso nalang ako. Walang oras para mag obserba. Ilang minuto pa ay dinampot ko na ang paper bag na kanina pa nila kinababaliwan. Kasing bilis ng pagdampot ko ang bilis ng kamay ni Lhennie sa paghawak sa kalahati nito. Nakatingin sya sa akin ng seryoso ngunit agad na ngumuso. Nag-iwas sya ng tingin at agad na bumitaw. Naupo sya at nagkamot nalang ng ulo.

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon