CHAPTER 2: FIRST DAY OF CLASS

39 3 0
                                    


ANGELA'S POV

"Inay koh poh! Angela gising na!First day of class ngayon! " sigaw ni yaya Maria.

"Opo ya" sambit ko saka bumangon na sa higaan.

Dumeretso nako sa banyo at ginawa yung mga dapat gawin.
Nagbihis na ako at kinuha ang bag ko.

Pagbaba ko kumain agad ako ng breakfast at nagpaalam kay mommy.

Nakasakay ako ngayon sa kotse at nakatingin sa labas ng bintana.

Iniisip ko yung nangyari kahapon.

'Pano ko kaya ibabalik tong parte ng rubiks' sabay kalikot sa parte ng rubiks

"Ma'am nandito na po tayo"
Sabi ni kuya Oliver driver namin.

Hayss ang bilis naman occupied kasi utak ko eh.

"Salamat kuya" sabi ko dito.

Pumasok na ako sa malahiganteng gate ng school na pinapasukan ko.

Mula sa gate nakikita ko ang pangalan ng paaralan na nakaukit dito.

Malinis, payapa at maayos ang school na pinapasukan ko.

Naglakad na ako papasok at nakita ko ang mga kaibigan ko.

"Angela kamusta na?" pangungumusta ni Hazel.

Si Hazel Isabella ay kaibigan at kaklase ko na mula Junior Highschool.Mabait sya, matalino, makulit minsan dahil nahahawaan, supportive at palakaibigan.

"Okay lang naman eto nandito sa harapan nyo hahaha" sagot ko dito.

"Oyy hello Angela hihi" bati sakin ni Lhennie na may hawak na hatdog sandwich.

Si Lhennie Delos Reyes naman ay kaibigan ko rin at classmate hanggang Senior highschool. Jolly sya, mabait, makulit(sya yung nanghahawa kay Hazel), at talented hahaha ewan ko lang kung totoo haha.

"Ohh hi Lhennie!Dika ba kumain ng agahan? " tanong ko dito.

"Ahh ehh di ko naman sinasabing hindi pero parang ganun na nga hihi"
Masiglang sagot nya.

"Hello Angela, Lhennie, Hazel di nyo ko sinasama sa usapan nyo ah" may halong pagtatampo sa boses ni Benidict.

Sya si Benidict Gonzaga katulad rin sya nila Lhennie. Lalaki sya,maharot,maloko,palakaibigan at maasahan.

"Wag kanang magtampo Benidict hihi "
Sabi ni Lhennie kay Benidict habang binabangga sya ng siko dahil may hawak syang hotdog.

"Ehem* ehem*" fake cough namin ni Hazel.

"Tama na yan tara na baka malate pa tayo" sabi ko sa kanila at naglakad na kami.

Habang nasa may locker kinuha ko sa bag yung parte ng rubiks at binulsa.

"Tara na guys hihi" sabi ni Lhennie.

"Okay" pagsang-ayon namin sa kanya.

Naglalakad na kami ngayon sa gitna ng hallway kung saan maraming mga nakatambay na estudyanteng nagkwekwentuhan at nagkakalikot sa locker.

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon