CHAPTER 14: THE TALENT SHOW

7 3 0
                                    

ANGELA'S POV

Magandang umaga sa inyo!
#fridayngayonkahaponaythursday!

Ngayon na ang pinakahihintay naming araw. THE TALENT SHOW eyy. Lahat ay naghahanda para dito kaya naman maaga kaming pumasok kahit na pagkatapos pa ng lunch ang MAPEH namin at hanggang ngayon ay wala parin kaming permanenteng grupo hayss. Tagal! Hahaha!

Nandito kami sa classroom namin at nagdadaldalan lang habang di pa dumadating ang lec namin sa Math. At take note ang pinagdadaldalan nila ay yung gagawin nilang performance mamaya hayss. Kami naman ni Louis ay tahimik lang at parang hindi ito ang araw ng talent show.

Napag-usapan narin namin nung Wednesday ang susuotin namin. Hayss kailangan pa bayun?  Chour!

"Good morning class!" bati samin ng lec namin. Kaya naman ay umayos na kaming lahat at bumati.

(speed)




LHENNIE'S POV

'yehey recess na naman haha! "

Nandito na naman kami sa cafeteria para kumain. Nag ngunguya at nagdadaldalan pero hindi gaya ng dati.  Kasi kung dati lahat kami ay dumadaldal, ngayon tatlo nalang kami dahil si Benedict ay nagce-cellphone lang all the time hayss. Pero hayaan na natin kung saan sya sasaya  ay dapat ay masaya na rin tayo!

"Goodluck sa talent show nyo ah! Hindi kami makakapanood kasi may class pa kami hayss" madramang sambit ni Hazel kay Angela. Nagmake face lang si Angela kaya naman tinawanan ko sya. Ginaya ko naman ang sinabi ni Hazel gamit ang paraan ng pagkakasabi nya. Tawa lang kami ng tawa.

"Ano bayan nantritrip naman kayo eh! Bad tsk" asar na sabi nya kaya naman tumawa na naman kami at ginaya sya.

Nanahimik lang kami nang hindi na kami makahinga hahaha! Pero ilang sandali pa ay......

"Benedict! Bakit hindi ka nakikisali sa amin!" sigaw nya dito kaya may napalingon na estudyante sa gawi namin. Nginitan lang namin sila haha.

"May ginagawa lang kasi ako! Ang gulo mo hayss! Sige mamaya nalang guys mwuah! " pabirong saad ni Benedict sabay flying kiss bago umalis.

'shete! Bakit mabilis na tumitibok tibok tong puso ko?! '

Napahawak ako sa ang dibdib at ngumiti ng palihim. Kahit sa mga ganoong gestures nya ay napapangiti nya parin ako.

Bumali na kami sa pagkain nang umalis si Benedict.

After 15 minutes

Nagpapahindag nalang kami dito sa cafeteria, tapos na kasi kaming lumamon mga beshie hahha!

Naglibot ang mga mapanuring mata ko. Ay sana all hahhaa! Nagulat ako ng namataan ko na naman ang lalaki nung isang araw. Ang gwapong lalaki na nakatagpo ko ng mga mata.

Sino ka?




ANGELA'S POV

Nandito na kami sa auditorium para ihanda ang mga gagamitin sa talent show, at dahil ako ang pres. dito ay ako ang nagaasikaso ng lahat ng toh! Kakahaggard!

Ilang sandali pa ay natapos na namin lahat ng echeburek ek dito sa auidi. Nagready na lahat ng mga magpeperform at ako naman ay nagbihis na.

Pagdating ko sa loob ng audi ay nakaupo na si sir sa nakatalagang seat para sa kanya. Kaya naman tahimik akong umupo sa tabi ni Louis na nakapikit at nakatungo.

'ano ba toh? Nagdadasal?'

Tanong ko nalang sa isip ko at nagkibitbalikat. Tinaas nya ang ulo at liningon ako. Tinaasan nya lang ako ng kilay kaya naman pinagkunutan ko sya ng noo. #taposnangmagdasalito

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon