CHAPTER 16: ANG SIKRETO NI BENEDICT

11 3 0
                                    


ANGELA'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at 2 buwan. Marami ang nagbago sa mga nangyayari. Nagkaroon na kami ng sari-sariling grupo sa Mapeh. Patuloy paring nagpapadala ang secret admirer ni Hazel. Nagiging tahimik si Lhennie na dati ay maingay kapag nagkakasama kami. Mabilis umalis si Benedict at minsan ay hindi na namin nakakasabay sa lahat ng bagay. Umuusbong lalo ang nararamdaman ko para kay Louis.

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Wala akong plano sanang pansinin toh ang kaso lang ay lalo atang lumalala pag di ko pinapansin. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama sya. May mga bagay na nginingitian ko kapag ginagawa nya.

Ang kaso ay hindi ko masabi sa kanya ang totoo kaya naman kahit nasa malayo o malapit man ako ay pasikreto akong sumusulyap sa kanya. Hindi ko alam pero parang nasanay na ata ako dahil palagi ko itong ginagawa. Nakakaramdam rin ako ng kirot sa puso kahit hindi dapat. Lalo lang ata lumalala ito.


"Angela, anong iniisip mo? " tanong sakin ni Lance habang nakangiti at nakatingin sa akin.

Binaling ko sa kanya ang pansin ko pagkatapos isulat ang mga notes.

"Wala naman" sinungaling! Haha.

"Parang ang lalim, kasi ang hirap sumisid!" asar na sabi nya at nagmake face. Kaloka ito ah.

"Tumigil ka nga! May ginagawa ako" sagot ko dito bago ituon ang mata sa labas ng bintana.

Hindi ko na narinig ulit na nagsalita si Lance. Tinuon ko nalang ang pansin sa labas ng bintana. Napaka-ganda ng langit, asul na asul. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa paligid.

Napabuntong hininga na lang ako. Binaling ko ulit ang mata ko sa notebook ko at hinintay ang lec namin.

Fast forward

CAFETERIA

Tahimik lang kaming kumakain at parang walang ganang magsalita. Nagbago ang lahat sa hindi malamang dahilan. Nawawala ang mga nakasanayan namin. Wala na ang maiingay na kwento tungkol sa ibat-ibang bagay tuwing kakain kami. Saksi ang apat na sulok ng kantinang ito nang pagiging maingay naming magkakaibigan.

"Namimiss ko na kayo! Ang dami kasi nating ginagawa huhu" basag ni Lhennie sa katahimikan sabay ngumuso.

Napangiti nalang ako dahil dito. Hindi parin talaga maiiaalis ang pagiging makulit at masiyahin ni Lhennie.

"Busy kasi eh, nag gro-groupings tapos may mga assignments na alam mo na haha! " makulit ring paliwanag ni Hazel

"Nakakamiss rin yung kulitan natin. Para kasi tayong mga robot na sumusunod sa isang utos noong mga nakaraang araw at buwan haha! " singit ko sa usapan nila.

Nagngitian kami habang kumakain. Nagtatawanan tuwing may nakakatawa. Nabubulunan din kami habang kumakain haha.  Nakakamiss talaga silang kasama.




LHENNIE'S POV

Tahimik akong pumasok sa classroom namin. Nadatnan ko ang nga kaklase ko na nagdadalanan lang kaya naman napaupo nalang ako sa upuan ko.

Pagka-upo ay nadatnan ko si Benedict na nag ce-cellphone habang nakangiti sa kawalan. Ngiting may taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

Alam kong may itinatago si Benedict sa amin nila Angela pero sinasarili ko na muna ang alam ko. Naalala ko nung mga nakaraang buwan, may dala sya minsang bulaklak, tsokolate, at teddy bear tuwing uwian or break namin. Hindi sya nagpapakita sa amin pag ginagawa nya ayun.

Alam kong merong nabubuong teyorya sa utak ko pero binabalewala ko lang dahil alam ko namang si Benedict ang gusto ko at hindi na magbabago.

Tuwing nakikita ko sya na nakangiti sa kawalan, parang may konting kirot sa puso ko na nararamdaman sa dibdib ko. Konting kirot na hindi nagpapabahala sa katauhan ko. Konti lang iyon at bigla nalang mawawala.
Hindi ko alam kung bakit ganito.

Pasikretong SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon