Rhed's POV
Why am I wearing a red dress and a ribbon on my right wrist?
Napatingin ako sa direksyon kung saan ang daming mga tao na nagsisigawan, ano ba ang nagyayari.
Anong ginagawa ko dito?
Napayuko ako ng may biglang sumabog na malakas and then I realized na nasa isang malaking barko kami, lalong lumakas ang sigawan ng mga tao at nataranta na ako dahil di ko na alam ang gagawin ko.
"Wear your life vest!!" rinig kong sigaw ng captain.
At yung mga tao ay kanya-kanya ng kumuha ng mga life vest, humakbang ako para kumuha rin ng akin pero naitulak ako ng mga taong nasa likuran ko.
"Mommmm!!"
Sumigaw ako ng malakas ng may tumulak sa akin ng malakas mula sa likuran ko at nahulog ako.
Di ako marunong lumangoy, sa sobrang takot na nararamdaman ko ay napaiyak ako. I hope that someone will come and save me.
"M..mo-momm..mommm" pakiramdam ko ay di ako masyadong makahinga dahil ang sakit ng dibdib ko.
"Hey, woman" Nakapikit pa rin ang mga mata ko...ayoko ng panaginip ko, ayoko... ayoko!
"Shhh... wake up"
Narinig ko ulit ang boses na yun, bigla akong kumalma ng may naramdaman akong may humaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha nya... ni Emp
Nakaluhod sya at kapantay ko habang nakadapa ako sa kama, sinubukan kong bumangon kaya tinukod ko ang mga kamay ko sa kama at tinaas dahan-dahan ang aking katawan ng...
"F*ck! Stay." Rinig kong madiin na sabi nya sa akin.
Tiningnan ko ang mukha nya na may pagtataka pero lalong kumunot ang noo ko ng makitang namumula sya at di makatingin sa akin.
Ano naman ba ang problema ng taong ito?
Tiningnan ko ang sarili ko...what the!
Parang gusto kong kainin nalang ng kama ngayon din mismo.
Shit! I am not wearing anything sa pantaas ko pero ramdam kong nakapajama ako sa pambaba ko, nahihiya ako sa ideyang may nakita sya sa akin.
"Emp..." may kumatok mula sa pintuan, isang boses ng matandang lalaki.
"You! do not move." Mariin nyang sabi sa akin, tumayo sya at kasunod nun ay may naramdaman akong kumot na pinatong sa katawan ko para matabunan ang likod ko.
Tumango lang ako, medyo ininda ko ang sakit ng likuran ko banda sa kaliwang balikat ko. Biglang naalala ko ang nangyari...gunshot.
Kahit na masakit ang sugat sa likuran ko ay masaya ako dahil ligtas sya.
"Come in" walang emosyong sabi nya.
May pumasok na isang matandang doctor kasama ang mga babaeng nurse sa likuran nya.
Chineck nila ang sugat ko at pati na rin ang kalagayan ko, nilinis nila ang sugat ko at nakaramdam ako ng betadine na nilagay nila pagkatapos ay nilagyan nila ng bandage at medical tape.
Nakangiting nakatingin sa akin ang mga nurse habang nililinis nila ang sugat ko, dahil di ako masyadong nakikipag-usap sa mga tao ay binigyan ko lang sya ng isang ngiti at hinayaan ko nalang sya.
"Ang ganda nyo po" nurse
Kahit bulong lang ang pagkasabi nya ay umabot sa pandinig ko, tumango lang ako sa kanya dahil medyo masakit pa rin ang lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED)
AkčníDo you know how to love a Devil? If you wanna know, I'll show you you how to do. Do Not Look At His Eyes, If You Do... I DARE YOU NOT TO FALL WITH THE DEVIL HIM "I am an evil.. that is how people describe...
