7- Quiet and Listening ( Her Story )

14.9K 407 24
                                        

Rhed’s POV

Napapitlag ako ng may biglang kumatok sa pintuan dahil kanina pa gulong-gulo ang utak ko.

“Lady, it’s time to change you clothes” sabi ng maid mula sa labas ng malaking room na ito.

Kakatapos ko lang magshower ng halos isang oras dahil iniisip ko parin ang sinabi ni Davin sa akin kanina, para akong lutang dahil hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa sinabi nya at kapalit ng tulong na hinihingi ko.

Tinanong ko sya kung bakit kasal ang kapalit ay di naman sya sumagot at bigla nalang itong umalis at padabog na sinaraduhan ang pintuan, kahit kailan talaga ang ugali di na magbabago.

“Come in” sabi ko at inayos ang upo sa kama

Dahil sa di ko pa rin masyadong maigalaw ang kaliwa kong balikat ay magpapatulong akong magbihis, may pumasok na limang katulong sa kwarto at may mga dalang gamit.

May suot lang akong robe at inumpisahan na nilang bihisan ako, medyo naiilang lang ako dahil ito ang unang beses na may nagbihis sa akin. After mabihisan ay inayos nila ang buhok ko at umalis na sila.

Gabi na rin at di pa rin ako makatulog dahil pinag-iisipan ko ang offer ni Davin, mahirap kasi ang kapalit pero buhay ko naman ang nakataya sa magiging desisyon ko.

Parang ang bata ko pa para ikasal, 26 palang ako at wala pang lalaki ang dumaan sa buhay ko dahil ang dami ko pang pangarap at gustong marating sa buhay. Gusto ko pang magtrabaho bilang nurse sa isang hospital.

Actually this semester ay tatapusin ko na ang last internship ko before graduation at nag-apply na ako sa Life Medical Hospital para sa training field ko at yun din ang hospital na pangarap ko dahil ito ang isa sa pinakamagaling na hospital.

Dahan-dahan lang akong naglakad palabas ng mansion, mahirap dahil masakit pa rin ang mga sugat ko at ang taas ng hagdanan.

Nakatingin lang sa akin ang mga tauhan nyang parang statwa dahil halos di na kumukilos ang mga ito at nakatayo lang sa buong paligid ng bahay na ito.

Mabuti nalang at walang nagtanong sa akin kung saan ako, pumunta ako salabas at may nakita akong garden na sobrang ganda, ang daming dim lights na lalong nagpapaganda sa mga bulaklak at puno.

Umupo ako sa bench na nakita ko sa gitna ng garden, sobrang lamig ng hangin at masarap sa pakiramdam.

Ilang minuto na rin akong naka-upo at medyo inaantok na ako, wala pa rin akong desisyon tungkol sa kapalit na inooffer ni Davin.

Medyo mabigat ang kasal dahil habang-buhay na pagkakatali na yun, paano kung ayaw nya sa mga gusto ko sa buhay at sya na ang magkontrol ng lahat ng gagawin ko?

Kung buhay lang sana si mama.

Naramdaman kong may nakatayo sa likuran ko at paglingon ko ay si Davin na nakapamulsa habang nakatingin sa akin.

“I thought you left again” Davin at naririnig kong medyo mabigat pa ang paghinga nya, tumakbo ba sya?

“Nagpahangin lang  at makapaglakad din ng kaunti” sabi ko at nakatingin lang sya sa akin

Tss.. I thought that it’s clear to you that you’re wounded” halatang galit na naman sya sa akin kaya di na naman maipinta ang mukha nya.

“Parang mas manghihina ako kapag buong araw lang akong nasa kwarto at nakahiga lang, kailangan ko ring mag-isip ng mga bagay-bagay” paliwanag ko

Natahimik sya at naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Medyo maliit lang ang bench kaya medyo magkadikit kami, kahit kailan talaga ang bango ng lalaking ito at laging nakasuot ng business attire.

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon