27- The royal's First Met ( His Change of Plan )

11.5K 308 10
                                        

If the reads will reach 500 I will do double update in one day, next that day!

Comments? Comments?

Wala?

Geh, kape ulit po tayo habang naghihintay po sa inyo:)

Enjoy!

_______________________________________________

Rhed’s POV

Nakakapagod ng araw ng ito dahil sa dami ng ginawa namin, niligpit ko na ang mga gamit ko dahil tapos na ang shift ko.

Hanggang makababa kami ng labas ng hospital ay kinukulit pa rin ako nila Trish at Ali tungkol sa asawa ko, kanina naman ay tahimik sila habang nagtatrabaho kami.

Masaya ako dahil tikom ang mga bibig nila sa sekreto ko.

“Sige na kasi, Rhed!! Di naman namin sasabihin kahit kanino eh!” pagdadabog ni ali sa akin habang nakahawak sa braso ko.

“Girl, baka budol-budol yan ha! Iniisip lang kasi namin kung sino yung maswerteng napangasawa mo. Sa ganda mo ba naman yan, siguradong gwapo rin ang asawa mo” Trish

“In right time pero wag muna sa ngayon, okay?” paliwanag ko

“Di ka na ba talaga mapipilit?” Trish at tumango ako

Nang makalabas na kami ay hindi ko makita ang kotse ni Davin, wala naman kasi syang sinabi na sa parking lot sya mag-aantay.

“Taxi na lang tayo. Sabay ka, Rhed?” Ali

Mukhang busy si Davin kaya okay lang naman siguro na magtaxi na lang ako, tumango ako sa kanila Ali. Nagpara kami ng taxi, pasakay na sana kami ng biglang may humarang sa harapan ko.

“Andrei!” halos pasigaw kong sabi ng makilala ko sya dahil sa gulat

“I’m sorry, Miss Rhed but he is waiting for you” sabi nya kaya nagtaka ako

Nakita kong nagulat din sina Ali at Trish pero sobrang lagkit ng mga titig nila kay Andrei, mukhang dumadami ang lahi Sal ah.

“Where?” tanong ko nalang at hindi pinansin ang reactions ng dalawang kasama ko

“Accross the street” Andrei

Tumingin ako ng sa kabilang side ng kalsada at nakita ko ang isang kotse na bago sa paningin ko. Tumingin ako sa dalawa kong kasama para magpaalam.

“I’m sorry, mukhang hindi ako makakasabay sa inyong dalawa”

“Hubby mo?” bulong na tanong ni Ali

Ngumiti ako at tumango sa kanila. Tulala pa rin sila at ako naman ay tumawid na at sumakay sa kotse.

“Am I late?” Davin

“In time” sabi ko at ngumiti sa kanya

Pinaandar nya na ang kotse at umalis na kami. Akala ko ay uuwi kami ng mansion pero nagtaka ako ng lumiko kami, napatingin ako sa building na pupuntahana namin ‘Empire Cuisine’ basa ko sa isipan ko ng mabasa ko ang nakasulat sa building.

Naalala ko ang unang punta ko dito nung hinanap ko si Davin para kunin ang cellphone ko. Hindi kami sa entrance dumaan, sa isang private space huminto si Davin sa likurang bahagi ng building.

Walang tao roon maliban kila Andrei at iba pang tauhan ni Davin na nauna ng bumaba, pinagbuksan ako ng pintuan ni Davin at hinawakan ang kamay ko papasok.

“Empire Cuisine?” tanong ko sa kanya

“Yes, I just want to have dinner with my wife” at he gave me his alluring smile

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon