25- The Execution of Plan ( Her Silence )

9.3K 267 4
                                    

Ford’s POV

Mula sa tap wire na nilagay namin sa dingding ng kwarto ni Dominic ay mipapakinggan namin ang mga pinag-uusapan nila sa loob, medyo mabagal at mahina ang signal dahil sa kapal ng dingding pero sakto na para marinig.

“VVIP hallway, 5:00 o’clock, East position. Wǒmen de kèhù zài nǎlǐ děngdài ”

Boses ni Dominic yun pero hindi masyadong malinaw, kumuha ng translator ang unggoy para itranslate ang sinabi ng intsik na hilaw na ito.

“ VVIP hallway, 5:00 o’clock, East position. Where our clients are waiting” translator

Mabilis na nagtinginan kami ng orangutan sa harapan ko...

“Okay!!!” maangas kong sabi dahil ngayon mahuhuli ka na namin

Binilisan namin ang pagkilos dahil mayroon na lang kaming 24 minutes bago mag 5:00 am, medyo madilim pa sa labas kaya mas madaling pumuslit.

Kaunti lang kasi ang mga tao sa hallway ng ganitong oras, ganun din ang mga nurse at doctor.

Hinubad ko ang hospital gown ko at binato sa akin ng Homo sapien sapien ang damit mo... mahal talaga ako masyado ng mga unggoy!

Dala ko ang blue print ng VIP floor, baril na may silencer, at bala. Pasimple kaming lumabas ng room namin at nagsuot ako ng itim na sombrero baka kasi makilala ako ng mga nurse.

Bukas na ang board meeting kaya dapat maayos na namin ito ngayon... hintay ka lang demonyo dahil sayo pa rin ang trono... hahaha! mukhang kakapal na naman ang gold card ko pagkatapos nito.

Pwede na akong mambabae pagkatapos nito!

Base sa blueprint ay sa pinakadulo ng floor na ito ang east position, medyo malapit na kami nang pagliko namin sa hallway na pagkikitaan nila ay... Anak ng tilapiang pinirito naman oh!

“Oh f*ck this!” mahinang mura ng Orangutan

May mga tao sa dulo ng hallway, kasama ang isang doctor at dalawang nurse. Hindi kami makadaan dahil sila ang doctor at mga nurse ko... sh*ttt!!!

Baka mapansin ako. Umatras kami muna para makapag-isip ng plano kung paano makarating sa dulo.

Binuklat ko ang blueprint na hawak ko.

“Pakita mo sa akin ang talent mo ngayon unggoy” sabi ko sa kanya na naka ngisi

Mabilis nya akong binatukan at hinampas ko sya ng blueprint... mukha ng unggoy na ito!

“Wag mo ngang hinahampas ang new generation mo, at wag kang tumingin sa mukha ko! Pinapaalala mo lang sa akin kung ano ang itsura ng mga lahi ko million years ago, bwesit na Homo sapien sapien ka!” pabulong kong sigaw sa kanya

Mas masakit pa sa sugat ko na pagaling ang pagbatok nya.. nyetang Orangutan!

“F*ck, Dude”

“Eww... I f*ck woman, not an Ape!” at nauna na akong umalis

Narinig kong nagmumura na naman ang baklang unggoy, yaan nyo na di pa kayo nasanay dyan.

Pumasok kami ng fire exit, base kasi sa blue print ay may bintana dito, at ang kabilang dulo ay may stock room kung saan may bintana din.

Mags-spider man ako at magki-king kong itong kasama ko, mabuti nalang at sa VVIP section kami dahil ang bawat room ay may veranda at kayang talunin ang mga ito hanggang sa makarating kami sa kabilang dulo.

Nauna ang unggoy... an expert should lead the way! Sumunod ako,

Damn! Galing nga ng unggoy magtalon at mag lambitin sa mga railings!

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon