This chapter is dedicated to jaz_lynn and TaeeeXKayeee thank you for following me:)
I have read all your comments and I wanna say thank you so much, at sa pinaka masipag mag vote at mag comment ko na reader and aspiring writer po Hanshy_Bunchy
Malapit na tayo sa chapters na mahahaba!
Enjoy!
_______________________________________________
Rhed’s POV
“Code Blue... Code Blue... VIP Room 48. I repeat Code Blue... Code Blue... VIP Room 48”
Mabilis na nagtakbuhan ang mga doctor at mga nurses papuntang Room 48, biglang tinawag naman ako ng head nurse namin.
“Nurse Rhed, call the family of Room 48” sabi nya ta tumakbo na sya.
Kinuha ko kaagad ang telepono at denial ang number ng family ng Room 48. Mabuti na lang at papunta na rin sila dito kaya nakarating sila kaagad.
May malakas na ingay akong narinig mula sa entrance ng VIP floor, napatigil ako sa kinatatayuan ko ng pumasok ang mga rescue at doctor tulak-tulak ang isang stretcher na may duguang babae... She is pregnant!
“Excuse us!! Clear the way please!!!” sigaw ng mga doctor sa mga taong nakaharang sa daanan
Isinugod sa emergency room ang pasyente, may sumunod din na lalaking mukhang asawa na sugatan rin pero hindi malala ang lagay katulad ng asawa at may benda sya sa mukha.
“Sir maupo muna po kayo” sabi ko sa lalaki dahil parang any time ay babagsak sya dahil hawak-hawak nya ang ulo nya habang umiiyak
“My wife, Nurse... Please, iligtas nyo ang asawa ko, she is six months pregnant now, please!” halos habol nya na ang hininga nya habang nakahawak sa braso ko.
“Our doctors are doing their job to save your family, umupo muna po kayo dahil dumudugo ang sugat nyo sa ulo”
Kahit ayaw nya ay pinilit ko syang maupo dahil sa sugat nya. Medyo nataranta ako ng biglang nawalan sya ng malay sa harapan ko, mabuti na lang at nasalo ko sya bago pa bumagsak sa semento.
“Girl, tatawag lang ako ng available na doctor” sabi ni Trish na kakarating lang
Kahit nagulat ako kung bakit nandito siya ay tumango ako, kailangan ma-check ang utak ng pasyenteng ito dahil baka mayroon syang internal hemorrhage dahil sa tama nya sa ulo.
“Emergency!!! Padaan po kami!!!”
Napalingon ako sa mga paparating na mga rescuer na may tulak-tulak na stretcher.
Pakiramdam ko ay napatigil ang mundo ko ng makita ko ang nakahiga doon...
...
“Davin...” I whispered to my self
Biglang tumulo ang mga luha ko.
He is wounded while lying on the stretcher.
He is not awake... Oh God!
He has cervical collar on his neck, at kasunod nun ay may isa pang tulak-tulak na stretcher ang mga rescuer... Zedd!
Nanginginig na ang buong pagkatao ko dahil sa mga nakita ko, gusto kong puntahan sya pero may pasyente akong hawak ngayon at hindi ko ito pwedeng iwan hangga’t hindi pa dumadating ang doctor nya.
Lalong tumulo ang mga luha ko dahil di ko man lang sya malapitan. Mula sa likuran ko ay nakita kong tumatakbo ang director ng hospital kasama ang iba pang high ranking positions ng hospital na ito papunta sa emergency room kung saan si Davin.
BINABASA MO ANG
The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED)
AksiDo you know how to love a Devil? If you wanna know, I'll show you you how to do. Do Not Look At His Eyes, If You Do... I DARE YOU NOT TO FALL WITH THE DEVIL HIM "I am an evil.. that is how people describe...
