9- The Wife's Kiss ( His Aftermath )

11.7K 344 14
                                    

Zedd's POV

Kagabi lang parang may mahalagang bagay na inaasikaso ang Emperador at ng tanungin namin sya kung saan kami pupunta dahil ang pagkaalam ko ay pupunta kami ngayong araw na ito sa Australia para sa mga bagong clients nya.

"Getting married" Emp

Halos malaglag ang mga panga namin ni Ford dahil sa sinabi nya, anong ikakasal na sya? Wengya! Eh wala pa nga naging syota, asawa agad?

"Get my bride this afternoon" Emp

At umalis na sya, ito ang unang lakad nya na di kami sinama at sa kasal nya pa.

Nang pumunta kami ng mansion ay doon ko lang naintindihan ang lahat, papakasalan nya ang babae nya.

Kahit kami nin Ford ay medyo nag-aalangan dahil napaka-inosente ni Rhed para madamay sa mga underground commitments ni Emp.

The Empire should welcome the new Empress pero medyo mainit pa ngayon, mayroong tamang oras para ipakilala na sya sa lahat.

Dinala namin sya kay Sam para ayusan at pagkatapos ay dumiretso sa bahay ni Mr. Evicto para sa kasal nila.

"Emp needs her... she is the answer" bulong ni Ford sa akin habang dito kami sa labas ng bahay nagbabantay.

Doon ko lang naintindihan ang plano ni Emp at yung babaeng yun ang makakatulong sa problema na hinaharap nya ngayon pero medyo matatagalan ng kunti pero alam kong kayang maghintay ni Emp hanggang sa dumating ito.

Emp needs a successor from that woman to secure his position and title.

Everyone in underground keeps saying that he needs to step down because he is too young for his position and he doesn't have a family or legal successor to secure his throne.

Emp enhirited all of his everything now and he will do everything to maintain it because his parents have sacrificed their lives for it until they died.

That is why Emp was willing to spend a big amount of money because he can gain nth times more than that, because we are talking underground business here.

Pagkatapos ng kasal ay magkasama ang lovebirds sa isang kotse, at umuwi na kami ng mansion.

Ano kaya ang sunod na plano ni Emp pagkatapos ng kasal ngayong may Empress na sya ay mukhang doble na ang responsibilidad nya.

Nakarating na kami sa bahay nya at binati ng lahat ang pagdating ng Empress nila at ang bagong pagsisilbihan...goodluck!

Kahit kami ni Ford ay biglang napayuko at napatingin sa ibang direksyon ng biglang hapitin ni Emp yung Empress nya, dahil ayaw ni Emp na tinitingnan sya sa mga private matters nya.

Royal's privacy is in our law!

Siomai pancake waffle naman oh! Di na ba sila makapaghintay sa kwarto nila? Kung sabagay kailangan na ni Emp umpisahan sa pagbuo ng bagong Emperador nya.

"Yours or mine?"

T*ngena! Di ko manlang akalain na ganito itong demonyo naming Emperador, at nakakatawa yung mukha ni Empress dahil mukhang di nya naiintindihan ang sinasabi ni Emp sa kanya.

"Syempre ako sa kwarto ko at ikaw sa kwarto mo, ang gulo mong tao... "

Kung wala lang si Emp ay humagalpak na ako sa tawa dahil sa sinabi ni Empress, ang mukha naman ni Emp ay sobrang dilim sa galit at disappointment dahil di man lang magets ng Empress nya ang gusto nyang mangyari.

Halos mautot na ako kakapigil ng tawa at ramdam kong ganun din si Ford.

Napatigil kami sa pagtawa ng biglang umalis si Emp paakyat sa kwarto nya, nilapitan namin ang nakakunot pa ring noo na si Empress...hahaha nyemas naman oh!

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon