24- The Other One's Cofession ( Her Ring )

9K 234 5
                                    

Rhed's POV

Gusto ko pa sanang mag-stay sa office nya pero 5:30 na ng hapon at 6:00pm ang gathering namin.

Ihahatid nya pa sana ako kaso sinabi kong mas madedelay ang meeting nya kapag ginawa nya dahil 20 minutes ang layo mula sa company nya.

Nang makababa na ako ng kotse ay tinawag ako ni Andrei kaya napalingon ako sa kanya.

"Empress, are you going to wear that?" medyo alanganin nya pang tanong sa akin ni Andrei

Napatingin ako sa damit ko... shoot!!! Naka pants lang ako at plain shirt, suot kanina pa. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nakalimutan kong magbihis.

"Bihis lang ako sa loob, then paki hintay na lang ako" tumango sya at kinuha ko ang shopping bag na may laman ng dress na binili ko kanina

Dumiretso ako ng restroom para magbihis... talagang pagagalitan na naman ako nito ng head nurse namin dahil mukhang malelate na naman ako!

Pagkatapos kong magbihis ay nag-ayos ako saglit at lumabas.

"Thank you" sabi ko kay Andrei at inabot ang shopping bag na naglalaman ng pants at shirt ko.

Malapit pa lang ako sa pintuan ng private room para sa gathering namin ay rinig ko na ang mga tawanan nila at biruan, lalo na ang boses ni Ali.

Kumatok ako at binuksan ang pintuan, napalingon silang lahat sa akin at napahinto ng tawanan.

Tiningnan ko ang head nurse namin dahil alam kong 10 minutes late ako.

"I'm sorry, I'm late" sabi ko kanina lalo na sa head nurse namin

"Don't be like that, Rhed. Wala tayo sa hospital, we are here for celebration!" unang binasag ni Doctor Perez ang katahimikan sa kanila.

Tiningnan ko ang ibang tao sa loob, nandito lahat ng nga interns, may dalawang lalaki na mukhang mga doctor na naka-upo sa tabi ni Doc Perez, ang head nurse namin, sina Ali at Trish.

Nakasunod ang mga tingin nila sa akin habang papunta ako sa vacant seat sa dulo, napahinto ako ng tinawag ako ni Ali at sinenyasan na doon ako maupo sa tabi nya kaya sumunod na lang ako.

"Welcome to your first gathering, Rhed. I hope na hindi ka mailang dahil casual ang conversation namin dito" Head nurse

"Thank you!" sagot ko na lang

Medyo naiilang lang ako dahil maraming hindi ako kilala, kung bibilangin ay nasa 25 kami or less. Mabuti na lang at kasama ko sina Ali at Trisha. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko at pag basa ko ay si Davin.

"How's there?"

"Okay lang naman, kind of enjoying" I replied

"Great! See you later, Wife"

"Okay, Love"

"Masaya kaming dumating ka, naku! Nakaraan ka pa hinahanap ng nga kasama mo sa Empire University" Ali

Napatingin ako kay Ali na nagsasalita at at sa mga kasamahan kong intern na nagsitanguan kay Ali.

"Sorry, busy lang kasi" I reasoned out

"I agree talaga sa mga kasama mo na magaganda ang mga students sa EU, look at our interns" sabi ng isang doctor na nasa kaliwa ni Doc Perez.

Nagtawanan ang mga tao sa loob ng room na ito, tuloy lang ang kwentuhan namin.

Minsan nagtatanong sila about sa experience namin sa LMH, actually isa-isa kaming tinanong. Wala naman akong masamang experience sa two weeks na pag-iintern ko.

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon