Zedd's POV
Tinext kami ni Emp na maghanda kami dahil aalis kami after in minutes kaya mabilis naming tinapos ang pagkain namin.
Nyemas naman oh! Gutom na gutom pa ako, habang sinamahan ni Emp ang babae nya sa garden ay kumain agad kami.
"Zedd" Emp
Patakbo akong lumapit kay Emp ng tawagin nya ako, mukhang kakagaling nya lang sa kwarto ng babae nya ah...ehemm iba rin ang demonyo pumorma, wengya!
"Yes, Emp?" sagot ko sa kanya
"Let's go" Emp
Lumabas na kami at umalis papunta sa transaction meeting nya na inalisan nya kaya ang mga kasamahan nya sa meeting ay naghihintay pa rin ngayon.
Habang nasa sasakyan kami ay may napapansin akong kakaiba sa Emperador namin, di ko masabi kung ano pero mayroon talaga eh. Kanina pa sya tahimik na parang sobrang lalim ng iniisip nya.
Pakiramdam ko ay namalik-mata ako ng makita kong may maliit na ngiti na lumabas sa labi nya, mukhang naka-score ito sa babae nya ah!
Nakarating na kami sa lugar kung saan ginaganap ang mga underground meetings ni Emp, pagpasok namin sa loob ay tumahimik ang mga kasamahan nya na mga Imperial Bosses na puro nagrereklamo dahil ang tagal ni Emp.
Tumayo sila at yumuko ng makita si Emp na papalapit, parang himala dahil walang dilim na aura ng demonyo kaming makita sa mukha nya.
Nagsimula na ang meeting at sobang kalmado lang ang Emperador sa mga pinag-uusapan nila, akala mo ay simple lang iba sa kanila pero marami sa mga kasamahan ni Emp ay gustong paailisin sya para mapalitan.
Yun pa ang isang problema na hinaharap ni Emp ngayon kung paano mawala isa-isa ang mga traydor sa grupo kung mayroon man, di rin kasi pwedeng paalisin ng basta-basta dahil may mga shares ito sa Underground Empire.
"Why you won't sell to me your stock, it's a good plan" Mr. Vico na nakangisi kay Emp habang hawak ang tabako nya
Masyadong halata sa kanya na isa sya sa mga gustong mapatalsik at mawala si Emp, at alam na namin yan noon pa pero kung ako ang papipiliin ay kanina pa sila nagkita ni satanas dahil sa bala ng baril kong babaon sa ulo nya.
"Are you that excited to kick me out?" parang balewalang sagot ni Emp sa kanya
Wengya! Talagang sobrang lamig ng ulo nya ngayon dahil kung hindi baka may dugo ng kumalat sa sahig ngayon.Mabilis uminit ang ulo ni Emp lalo na kapag di nya gusto ang mga naririnig nya.
Natahimik si Mr. Vico at nagproceed ang usapan nila, kanina pa hindi mapakali si Emp na parang may pupuntahan, biglang umingay ang loob ng biglang umalis si Emp ng walang sabi at tinatawag sya ng mga kasama nya.
***
Rhed's POV
Pagka-umaga ay ang gaan ng gising ko, medyo okay na rin ang mga sugat ko lalo na yung nasa panga ko dahil magaling na sya.
Naligo ako at katulad kahapon ay nagpatulong pa rin akong magbihis ng damit.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Sally dahil kahit maldita yun ay nag-aalala yun sa akin, isang ring palang ay sinagot nya na agad ang tawag ko.
"RHED!!!!??"
Nilayo ko ang cellphone ko sa tainga dahil sobrang basag eardrums talaga ng boses nya kahit kailan.
"Yes..."
"WALANG HIYA KA! AT NGAYON MO LANG NAISIPANG TUMAWAG HA! ISANG LINGGO NASTRESS ANG GANDA KO SA KAKAISIP KUNG SAANG LUPALOP KA NA NG MUNDO, ALAM MO BA YUN?"
BINABASA MO ANG
The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED)
ActionDo you know how to love a Devil? If you wanna know, I'll show you you how to do. Do Not Look At His Eyes, If You Do... I DARE YOU NOT TO FALL WITH THE DEVIL HIM "I am an evil.. that is how people describe...