25

673 36 0
                                    

Ederi's PoV

I sighed bago nagsalita "hindi naman nga kasi ako nakipag-away"

"Ano yan?"

"Pumunta kasi ako sa tatay mo"

"Ano?!"

"Calm down okay?"

"Bakit di mo sinabi saken sana sinamahan kita?!"

"Kaya nga di ko sinabi. Napansin ko kasi nung huling punta ko sa inyo, nagpipigil saken ang tatay mo lalo na nung nakita kitang sumilip sa kwarto mo. I figured he'd release his anger better without you around"

"At mas gusto mo yon?"

"Oo? Kasi at least kahit dito sa mga bangas na nakuha ko nailabas niya galit niya saken. Nakahingi ako ng tawad yun nga lang di ko alam kung sapat na yung pagsapak niya saken para dun sa kagaguhan ko"

"Anong sabi?"

"Galit syempre. Hindi naman bago yon."

"Oh eh pano ka nakauwi?"

"Kotse aray! Totoo naman!"

"Wag mo ko jinojoke time tatamaan ka talaga saken"

"Ehh pagkatapos naman kasi ako sapakin ng tatay mo tsaka konting eksplanasyon ko pumasok na din agad sa loob ng bahay niyo ehh. Hindi na ko kinausap kaya umalis na din ako"

"Ehh??"

"He even told me to leave you"

"Susundin mo?"

"Naging tanga na ko ng anim na taon. Ayoko na dagdagan yon Maris. Kaya nga pinuntahan ko tatay mo to try and patch things up with him para di ka na ilayo saken. I just told him I'll leave you if hindi pa rin sumapat yung paliwanag ko. Kaso hindi ko din alam kung sumapat ehh"

"So kung di sapat? Aalis ka? Ang daya mo naman don Ederi"

"Sorry... oo mali yung naisip ko. But I'm desperate to talk to your father."

"Pano nga kung di sumapat? Yung paliwanag mo?"

"Lalayo ako"

"Ano?"

"Pero lalayo lang ng bahay. Hindi kita kayang iwan. Mahal na mahal kita na ang kaya ko lang gawin ehh humiwalay ng bahay. Hindi ko na kayang malayo ka ulit saken nang hindi ka nakikita. Liligawan kita ulit kung kailangan. Hanggang payagan na ko ng tatay mong bumalik dito"

"Pano kung hindi yun ang paglayong gusto ni papa?"

"Magmamakaawa ako sa tatay mo. Gagawin ko lahat. Wag lang yung di kita makita kahit sandali sa isang araw"

"Manang makikisuyo nga ho ako ng first aid" sambit niya

"Sa susunod pwede ba bago ka kumilos ng ganyan kahit ipaalam mo lang saken? Hindi naman ako nagpupumilit sumama sayo di ba?"

"Naisip ko kasi, it would be nice if the news I'd give you as a gift for our anniversary would be me and your father being okay."

"Sabi ko naman di ba di na kailangan"

"Pero alam kong gusto mo Maris"

Maris' PoV

"Tsk" yun na lang nasambit ko bago ko itinabi yung bulaklak na nasa kandungan ko kanina. Pagdating ng first aid sinenyasan ko siyang lumapit saken and he obliged.

Inayos ko yung panggamot tsaka inasikaso yung pasa niya sa mukha

"A-aray"

"Magtiis ka nagpasapak ka di ba"

Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon