Maris' PoV
Nakita at narinig ko lahat ng sinabi niya... bumalik na ko sa bahay naming dalawa... but only for the annulment papers kasi nabanggit sakin nina mama ang tungkol don
Pero seeing him inside my room... crying and apologising... parang kinukurot ang puso ko...
Lumayo ako oo. I went abroad, I tried forgetting about everything. Pero hindi ko naman maloko yung puso ko, siya pa rin pero syempre hindi niya ko gusto di ba... pero bakit siya nangayayat? Bakit nasa kwarto ko siya? Umiiyak?
Ederi's PoV
*knock knock
"Yaya ayokong kumain..."
"Ehem"
"Ano ba manang?" Sabi ko sabay tayo pero natulala lang ako nang makita ko kung sino ang nasa pinto
"M-maris?!" Napatayo na lang ako at napayakap sa kanya pagkatapos
"Ederi bitaw"
"Bumalik ka na... bumalik ka na Maris..."
"Ederi ano ba?!" Sambit niya sabay tulak sakin na ikinatumba ko
"A-andito lang ako para sa annulment papers, yun lang"
"A-ahh. O-oo nga. Oo nga pala. S-sorry ano... t-teka lang... kumain ka na ba?"
"Tapos na"
"Kanina ka pa ba dyan?"
"Hindi"
"A-ahh sige. Hintayin mo na lang ako sa salas, k-kukunin ko lang" sabi ko sa kanya sabay tayo at punta sa kwarto ko
I got the annulment papers on hand pero parang bawat hakbang ko ang bigat... eto na... mapapalaya mo na siya ng tuluyan Ederi... hindi mo na siya masasaktan...
Pagdating ko sa salas, nakaupo na siya don, hindi pa rin nagbabago ang itsura niya, mas gumanda pa... siguro dahil nawala na yung bigat sa dibdib niya... nawala na yung pasakit niya sakin
"H-here..."
"Nasan ang bolpen?"
"B-bago mo sana pirmahan sana pakinggan mo ko..." sambit ko bago lumuhod sa harapan niya
"Sorry... sorry Maris... sorry kasi minahal mo isang katulad ko... sorry I took you for granted... sorry sa lahat ng mga masasakit na salitang nasabi ko sayo. Sa mga maling kilos na pinakita ko sayo... sorry... mahal kita Maris... mahal kita at alam kong huli na ko... sana... sana sumaya ka na sa bago mong buhay pagkatapos nito... sana mapatawad mo pa ko."
I looked at her straight in the eyes before saying "ingatan mo sarili mo ha?"
Tumayo na ko pagkatapos at tumalikod dahil naiiyak na naman ako, at wala akong karapatan umiyak sa harapan niya ngayon
"Iwan mo na lang diyan yung mga papeles, ako na mag-aasikaso bukas" sambit ko before running back to my room
I don't wanna see her leave. Gusto ko siyang pigilan umalis... gusto ko siyang manatili pero alam ko namang hindi pwede... hindi na ppwede
Pagpasok ko sa kwarto nakahawak lang ako sa dibdib ko as I fall down the floor. This pain is unimaginable. Knowing that any moment now, wala na yung asawa ko... malaya na mula sakin...
"Fck your asshole self Ederi... kasalanan mo to! Kasalanan mo to!"
"Mahal na mahal kita Maris... sorry for the pain... malaya ka na mahal ko... malaya ka na..." sambit ko bago ako napahagulgol sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
I don't even know how I'll survive pero problema ko na yon. Ang mahalaga, napalaya ko na siya sa kasal namin... sakin
BINABASA MO ANG
Secret Love Song
FanfictionKasal tayo pero hindi mo ko gusto. Minahal kita kahit noong una ayoko rin nito. Pero kailangan bang ipagdiinan mo sa pagmumukha ko na hindi ako yung taong gusto mo kahit kasal tayo? Ganun ba ko kawalang halaga sayo?