10

863 37 1
                                    

Maris' PoV

Napatakip ako sa bibig ko hearing his words... I was behind his door all this time. Sinundan ko siya pagkatapos niyang tumakbo and all I was able to do was to lean on his door and listen

Hawak hawak ko yung papeles na binigay niya... at nagusumot iyon sa pagpipigil na mapaiyak ng malakas.

Parang bumalik lahat sakin, yung sakit... yung saya, na kasama siya.

Ang alam ko lang ngayon, gusto ng puso ko na sumubok pa... na lumaban pa...

Ederi's PoV

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sahig sa pag-iyak... ano na Ederi? Ayusin mo na buhay mo. Wala na siya. Napalaya mo na siya sa kagaguhan mo...

"Hays." I stood up and went inside the bathroom to try and fix myself from the outside, yung loob naman kasi isa lang makakabuo ehh... na hindi na mangyayare

Paglabas ko ng kwarto tahimik. Walang bahid ng ingay kagaya lang ng dati kaya alam kong... alam kong umalis na siya

Bumaba ako sa salas only to see foods prepared on the table

"Manang?"

"Manang palinis na lang ng kwarto ko ah?"

"M-maris?"

"Nasakin na yung papeles, nakalimutan kong banggitin dito muna ako titira ulit pansamantala since bahay ko din naman to" sambit niya dirediretso bago ako lagpasan

"G-ganun ba?"

"Oo. Ako na bahala sa papeles, babalitaan na lang kita. May tirang pagkain galing sa mga bitbit ko, yan yung nakahain, kumuha ka kung gusto mo"

"D-do you want me to leave?" Tanong ko sa kanya. "Babalik na lang ako sa bahay namin."

"Will you if I say so?"

Natigilan ako sa tinanong niya pero sumagot din ako agad

"S-sige mag-eempake lang ako"

Patalikod na sana ako but then again she spoke up

"On the other hand, wag na lang. Sabihin pa ng magulang mo inaangkin ko tong bahay natin."

"Will you b-be fine?"

"I am fine? Tapos na kong masaktan"

"S-sa labas na muna ako" paalam ko sabay lakad papuntang garden. Parang ibang Maris ang nasa harapan ko ngayon, torturing me even more dahil alam kong ako dahilan ng pagbabagong yon

Napasandal ako sa bench na andito sa labas ng bahay namin... the jolly, carefree Maris... I lost it now... ibang tao na yung nasa loob at wala akong karapatang magreklamo

"Tiisin mo Ederi. Kasalanan mo. Bumawi ka na lang sa paraang alam mo. Kahit hindi na uubra. Makabawi ka man lang. Mabawi man lang niya yung sakit na binigay mo sa kanya Ederi. Isa na tong pagtitiis sa pagbabago niya... hay"

Maris' PoV

Paglabas na paglabas niya ng pinto napahinga ako ng maluwag... hindi ko alam ano tong inaasta ko pero gusto kong makita kung talaga bang mahal niya na ako. Ang hirap magbalatkayo pero bahala na.

"Manang kamusta kayo?"

"Mam, okay po ako... si ser po ang hindi"

"B-bakit ho?"

"Tumigil na ho sa pag-aaral yan si ser, andito na lang yan sa bahay, ilang buwan na, hindi ho halos kumakain, paikot ikot lang sa buong bahay araw araw"

"Paikot ikot ho?"

"Hindi ko ho alam pero minsan nagsasalita siya sa bawat puwestuhan eh, narinig ko ho isang beses nagssorry tapos umiyak na"

Maris wag kang maaawa... limang taon yung tiniis mo kaya wag kang maaawa

Natahimik na lang ako sa sinabi ni manang... ayoko magsalita, baka kung ano pa masabi ko

Maya maya ehh bumalik sa loob ng bahay si Ederi, may dala dalang mga bulaklak na parang pinitas tapos direcho siyang nagpunta sakin

"P-para sayo... inalagaan ko yung mga halaman mo sa labas... nagtanim din ako ng bulaklak para may ibibigay ako sayo p-pag nakita kita. A-alam ko annulled na tayo... gusto ko lang ibigay to sayo"

"Manang, pakilagay na lang sa vase" sambit ko ng di siya tinitingnan pagkatapos si manang na nag-asikaso nung bulaklak

"Ang ganda ganda mo..."

"Salamat" sambit ko ng di siya tinitingnan, hindi naman siguro ako namumula hindi ba?

"Ang laki talaga siguro ng kasalanan ko sayo, gumanda ka lalo nung nakawala ka na dito"

"Ederi pwede ba?"

"S-sorry. Sa kwarto na muna ako"

"Ser di pa kayo kumakain!" Manang

"Okay lang ako manang, gusto ko lang magpahinga"

"Pero ser..."

"Ederi kumain ka muna" sabat ko sa kanilang dalawa "kailangan mong kumain ampanget mo na"

"Namiss ko yan..." sambit niyang nakangiti "Namiss ko yung mga panlalait mo sakin"

"Kumain ka na don tch."

Akala ko di siya susunod pero naglakad na siya papuntang hapagkainan pagkatapos.

Yung mga dala kong pagkain... puro mga paborito niya yun, pero binili ko lang sa labas.

Nagsimula siyang kumain pero nakamasid lang ako mula sa salas, ang laki talaga ng pinayat niya.

Nang matapos siya kumain tumayo na ko pero nagulat ako nang tumayo siya dala ang pinagkainan at siya mismo naghugas nito

Dati rati basta lang yan tumayo ni walang pakialam sa pinagkainan niya kaya ako lagi nagaayos pagkatapos

Bumalik pa siya sa lamesa para takluban yung mga putahe at nagpunas ng lamesa

"Sa kwarto lang ako... hindi na lang ako maglalalabas para di masira araw mo"

Naglakad siya paakyat pero natigil sa may hagdan

"Manang nasan basahan natin?"

"Eto ser"

Inabot niya yon sabay punas sa maliit na vase kong naiwan dito. Project ko yan noon, na ginamit ko na lang din dito sa bahay

Pagkatapos non ibinalik niya yung basahan at diretso nang umakyat

Pagkatapos non ibinalik niya yung basahan at diretso nang umakyat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon