Kasal tayo pero hindi mo ko gusto. Minahal kita kahit noong una ayoko rin nito. Pero kailangan bang ipagdiinan mo sa pagmumukha ko na hindi ako yung taong gusto mo kahit kasal tayo? Ganun ba ko kawalang halaga sayo?
"You okay?!" Sigaw ko bago ko inayos yung pagkain na muntik pa matapon na sa pagtayo ni Maris
Tumakbo ako kasunod niya sa banyo only to see her vomiting. I went beside her para haplusin ang likod niya at itaas ang buhok niya
"What's happening to you? Geez"
Nang matapos siya magsuka, I flushed the toilet at inalalayan siya pabalik sa kama
"Here drink some water, kaya mo bang kumain?"
"Tulog na muna ako Ederi... pwede ba?"
"Sure. Fine. But you have to eat later okay?"
"Okay"
"Sleep. Take a rest okay?"
"Okay. Thank you"
"I love you" i said kissing her forehead
"Loveyoutoo" mahinang responde niya sakin
I fixed her bed after seeing her asleep. Iinitin ko na lang mamaya yung pagkain.
Pagbaba ko naman, may paulit ulit nang nagddoorbell. Tsk. Siraulo talaga tong taong to eh no?
"Manang palagay nga muna ho sa kusina"
"Sige iho. Pupuntahan ko na sana yung lalaki sa labas ehh"
"Ako na ho bahala manang Cecil salamat"
Pagkakuha ni manang Cecil lumabas na ko ng bahay
"Ano ka ba bata?! Gunggong na to maninira ka ba ng doorbell?!"
"Nasan si Maris?!"
"Nasa loob?"
"Palabasin mo!"
"Teka nga. Sa pagkakaalam ko unggoy, este Troy, ehh ako yung asawa ni Maris? Lakas mo makapagpalabas ah? Amo ka?"
"Nasan siya?!"
"Nasa loob nga puta. Putak ng putak bingi naman. Ano ba problema mo?! Masama pakiramdam ng ASAWA ko"
"Masama pakiramdam o tinatago mo?!"
"Wow. Tatay ka para pagtaguan ko?"
"Lumabas ka dito!!"
"Ayoko ulol napakaingay mo, buti na lang di masyado rinig sa kwarto bibig mo peste"
"Arranged marriage lang kayo di ba? Hiwalayan mo na si Maris!"
"Eskandaloso din ampota" sambit ko bago namulsa at sumandal sa pader ng bahay namin. Aakyat sana siya sa gate pero nagsalita ako
"Sige subukan mo. Irereklamo kita ng trespassing, kita ka sa cctv"
"Lumabas ka nga dito!"
"Para sapakin mo? Ulol. Tatay lang ni Maris pwede manapak saken. Masyadong maganda kutis ko para sa kamao mo"
"You shouldn't have stayed with Maris you shthead!"
"Ano bang problema mong kupal ka?"
"Ikaw!"
"So? Kung problema mo ko di ko naman siguro dapat problemahin yon kasi wala akong pake sayo di ba?"
"You!! Pagkatapos mong gaguhin si Maris, sinasamantala mo pa ngayon?! Hinahayaan kong magstay?!"
Hindi ko makita kung nasan ang punto ng hinayupak na to.
"Pwede ba umalis ka na nga? Pag si Maris nagising sa sirena ng bunganga mo masasapak talaga kita"
"Tulog ba talaga?!"
"Tangina mo ano picturan ko pa para sayo?!" Napipikon na ko sa unggoy na to
Mamaya maya lang ehh may dumating nang security ng subdivision
"Ser may problema ba?"
"Pakihatid yan palabas, kuya. Naligaw ata ng daan pinagttripan doorbell namin"
"Ganun ba sir? Sir lika na ho" sambit ng security sa unggoy
"I can go home on my own!"
"Ayy kaya mo ba? Edi umuwi ka na."
"You bullsht!"
"Ser kung ayaw niyo ma-ban sa subdivision umalis na ho kayo"
"Fck it!" Sinamaan pa ko ng tingin pero binelatan ko lang habang di nakatingin yung sekyu haha
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Maris' PoV
Minulat ko mata ko pagkatapos kong makaidlip ng di ko alam gaano katagal. Pagbangon ko nakakita ako ng bulaklak at note sa bedside table.
Get well soon. I love you - Ederi
Napangiti na lang ako sa nabasa ko. Who would've thought that he could be this sweet? Dati iniimagine ko lang to ehh.
Maya maya lang bumukas yung pinto with him coming in
"How's your head? Nahihilo ka pa rin ba?"
"Medyo okay na... bakit may bulaklak?"
"Wala lang" sambit niya sabay upo sa kama "sabi ko naman sayo babawi ako di ba?"
Napayuko ako sabay kagat labi. He's really giving efforts now. Ang saya ng puso ko.
"Hey? May problema ba?" Sambit niya sabay hawak sa pisngi ko. I adjusted my position para makatabi ko siya at sumandal sa balikat niya
"Maris?"
"I love you..."
Ederi's PoV
"I love you too, may problema ba?"
"Wala ah haha"
"Okay ka na?"
"Medyo?"
I placed my arms behind her to hug her "good. Pahinga ka pa konti pero kumain ka na muna okay?"
"Okay" she said hugging me back
"Sarap naman ng yakap ng asawa ko"
"Iba talaga saya ko ngayon..."
"Huh?"
"Pag tinatawag mo kong asawa mo..."
"Aaraw arawin ko nang tawagin kang asawa kung mapapasaya ka non. I didn't even know before na mababaliw ako pag nawala ka. Thank you for coming back"
"Tama na nga to hahaha"
"You started it though haha"
"Ewan. I just woke up tapos bumungad sakin yung bulaklak mo. Iba lang sa pakiramdam ganon"
I pulled her close and kissed her forehead. "Dalhin ko dito pagkain mo? O bababa na tayo?"
"Baba na lang. Kaya ko naman na"
"You sure?" She nodded afterwards kaya tumayo na kami para bumaba sa hapagkainan