11

823 38 1
                                    

Lumipas ang mga araw... ganun lang ang ginagawa niya. Nag-aasikaso ng halaman, nag-aayos ng hapagkainan, he even cooks for me sometimes, nag-iiwan ng bulaklak sa pintuan ng kwarto ko kada umaga.

Parang... ako noon sa kanya.

Tuwing aalis ako, he offers to drive even though he knows I'll neglect him.

Nagpunta ako sa tapat ng pinto niya only to hear him sobbing

"Kaya ko... kaya ko to... mahal ko siya... kasalanan ko to... hindi ako pwede... hindi ako pwedeng sumuko"

Tama pa ba tong ginagawa ko?

Ederi's PoV

Hoo! I tried to calm myself.

Tumayo ako and composed myself, naghilamos para mawala yung pamumula ng mata ko kahit papaano

"Wala to sa ginawa mo sa kanya Ederi. Hiwalay na kayo... wala nang mawawala sayo... hindi mo na siya mababawi... tiisin mo"

Lumabas ako ng kwarto, as if nothing happened. Anong oras na ba? Mag-aasikaso na ko ng hapunan.

Naglakad ako pababa only to see her busy with something in the living room

"Anong gusto mong hapunan? Magluluto na ko"

Sambit ko pero walang sagot... kagaya lang ng laging nangyayari. Minsan tango o "oo" at "hindi" lang ang sagot niya, which is okay.

Pumunta ako sa kusina and checked on the refrigerator and cabinets kung anong pwede lutuin.

"Paborito niya to, siguro yun na lang"

Maris' PoV

I was unable to answer his question kasi... maririnig niya yung iyak ko.

After hearing him in his room, bumalik ako sa kwarto ko and had a moment with myself nang may makita akong nakasingit na papel sa diary ko. Yung diary na naiwan ko dito a year ago. I went down the living room at dun binuksan ang papel na yon

Maris...

Wala akong tamang salitang masasabi sayo. Kulang yung sorry, sa lahat ng sakit na ginawa ko sayo sa loob ng limang taon. Ang laki kong tanga that I took you for granted. I see you... I just didn't notice you, at maling mali ako don. Akala ko kasi siguro... kahit anong gawin ko hindi ka aalis, that I forgot you still have your limits. Natuon ang atensyon ko sa taong akala ko mahal ko, pero ngayong umalis ka, dun ko lang nalamang, kasama ko na pala araw araw yung babaeng mahal ko.

I'm really sorry you have to suffer for me. Sorry for being the asshole you'd want to forget. Sorry that I just knew about love when you left me. Sorry for everything Maris. Sorry. At paulit ulit akong magsosorry sa lahat ng sulok ng bahay na to kahit hindi mo ko naririnig. Mahal kita. Mahal kita, sobra.

Kitang kita sa papel na nabasa din ito ng luha dahil may mga sulat ng bolpen na nasira o may patak ng luha.

Ayoko na. Tama na to. Tama na.

Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon