1 year later...
Ederi's PoV
"Hay..." sabi ko na lang sa sarili ko pagdilat ng mata ko
It's been a year... at maraming nangyari, marami akong pinagsisihan... pero naghihintay pa rin ako sa isang tao...
I'm willing to let her go formally... pirma na lang niya yung kulang sa annulment papers, kahit sa loob ng isang taon, siya lang talaga kinailangan ko...
Months after she left, nawala na atensyon ko kay Kaye, that she broke up with me... pero parang manhid na yung pagkatao ko na wala akong maramdaman...
All I see is Maris... pero dito pa rin ako nakatira sa bahay namin. I told manang to leave and let me alone but our parents didn't. Nalaman nila yung nangyare samin ni Maris and her parents were crazy mad. Sino bang hindi, ginago ko sa likod nila anak nila. At alam ko hanggang ngayon galit sila sakin... which I deserve.
In the past year, dun ko lang napagtanto na siya talaga yung mahal ko... oo na tanga na nga ako. Nung nawala lang tsaka ko hinanap. Kaya nga pinagsisisihan ko na di ba?
Hindi ako nakakatulog ng ayos sa bawat araw na lumilipas, at kasama don yung ngayon.
Siguro pag nagkita kami, hindi lang sampal ang aabutin ko kay Maris... siguro mumurahin din ako non... pero tanggap ko... tatanggapin ko
Alam ng parents namin nasan si Maris, but I chose not to know... alam kong kailangan niya ng panahon para sa sarili niya... alam kong ako yung dahilan kaya hindi dapat niya ko makita...
Tumigil na muna ako sa pag-aaral pagkatapos ng last semester, wala din ako sa focus kaya sayang lang yung pangtuition.
Araw araw lang akong andito sa bahay... pinupwestuhan yung mga tinatambayan ni Maris, as if I can feel her presence there. Kahit na naiiyak lang ako sa ginagawa ko as if torturing myself, gusto ko maramdaman yung presensiya niya, kahit dito lang.
Simula nung umalis si Maris, I also found comfort in her room, that I ended up sleeping there for a year now.
Wala akong pinapagalaw kay Manang sa mga gamit dito. Pinapalinis ko lang pero it stays as it was a year ago.
Umupo ako at pinagtagpo ang palad ko as I looked down
"Sorry Maris... I'm really sorry I've hurt you... I'm sorry I lost you..." sambit ko habang may tumutulong luha sa mata ko
Araw araw, kahit alam kong di niya ko naririnig... I say sorry and cry myself before lying back down and hugging her pillows
"I'm sorry..."

BINABASA MO ANG
Secret Love Song
Fiksi PenggemarKasal tayo pero hindi mo ko gusto. Minahal kita kahit noong una ayoko rin nito. Pero kailangan bang ipagdiinan mo sa pagmumukha ko na hindi ako yung taong gusto mo kahit kasal tayo? Ganun ba ko kawalang halaga sayo?