Mew's POV
Hinanap ko sa si Max sa lugar kung saan nanggaling si Gulf. Sobrang pikon na ko sa kanya. Nakaya kong pigilan ng nakaraan pero wala siyang karapatan na sabihan na manggagamit si Gulf.
Hindi ko siya naabutan sa CR pero nakita ko yung isang staff na familiar sa akin. Tinanong ko lang kung saan banda ang shooting at ng mapuntahan ko ang hayop na lalaking yun.
I saw him sitting in the corner talking with his PA. Medyo malayo sila sa tao kaya nilapitan ko sila.
"I need to talk to you." Mariing saad ko kay Max.
"Talk about what?" Nakangising sagot ni Max na para bang hinahamon ako. Akala niya ata natatakot ako magsalita dito.
"Talk about what you said to Gulf. Sobrang kapal naman ata ng mukha mo."
"Why? Totoo naman ah. Ginamit niya ko para sumikat siya. Ngayon naman ikaw ang nagpapauto sa kanya." I grabbed his collar kaya pinagtinginan kami ng tao.
"He was my boyfriend since I was 13, never niya kong ginamit. Wala kang karapatan magsalita sa kanya ng ganyan. Hindi mo siya kilala."
"13 pa? Huling alala ko naghalikan kami habang kayo pala. Does it mean na you are not good enough for him?" Hinahayaan niya lang akong nakahawak sa kwelyo niya. Siguro dahil maraming tao kaya hindi siya lumalaban. "What now, Mew? Puro ka lang naman salita. Ganun mo ba siya ikinakahiya para itago relasyon niyo? Or mas importante lang talaga sayo ang pera?"
I am done with him. Sinuntok ko siya sa mukha niya. Wala akong pakialam sa sasabihin ng tao. Ang mahalaga na lang sakin ay ang pamilya ko. Nung natumba siya ay hawak niya lang ang dumudugong labi niya. Nagpipigil si tanga dahil sa mga taong nakapaligid. If he thought that I can't do it here then he is wrong. If it's for Gulf, kaya ko lahat to protect him at all cost.
"Bagay kayo isang tanga at isang manggamit." I was about to kick him, when I felt a pair of arms wrapped on my waist. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran.
"Baby, let's just go. Don't mind him." Mahinanahong saad ni Gulf.
"He is insulting both of us."
"Why would we listen to him? He is just a nobody. A famewhore with no talent at all. He was just flirting with his couple so he can gain attention, para matakpan ang kakulangan niya ng talent sa acting."
Si Gulf hindi mahilig makipag-away pero kapag nagsalita siya masasaktan ka talaga."How dare you, bitch." Max yelled.
Susugod sana ako ulit ng hinila ako ni Gulf. How dare him call Gulf bitch?
"Don't. Isipin mo ang kambal. Ano iisipin nila kapag nakita ka nila sa ganitong sitwasyon?They look up to you, baby. Let's just go." I faced Gulf. Siya lang talaga ang nakakapakalma sa akin. Hawak niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
It was clear that he is ready to tell everyone about our relationship.
"Our twins are waiting, baby. He is not worth it." Nakangiting sabi sa akin ni Gulf. "Don't worry about me. I am okay. Hindi natin kailangan makinig sa ibang tao lalo na kapag galing sa walang kwenta." Inakbayan ko lang siya palayo sa mga tao. Alam kong magrereklamo ang kampo nila sa pagsuntok ko sa kanya but I do not care. They wouldn't dare mess with me. Alam kong babayaran ni dad yan bago pa lumabas ang balita sa media.Naabutan namin ang kambal kasama ni Mild at Rain sa restaurant na kumakain pa rin.
"Did you settle it, dad?"
"What about, Tan?"
"I mean the one who made mom cry? Should we ruin his life?" Seryosong tanong ni Tristan.
BINABASA MO ANG
MY TWINS (Completed)
Romance•Mpreg •Taglish This is the novel version of MY TWINS which was originally a one-shot. A love between a celebrity boyfriend and his average guy. They've been dating for 7 years but needs to hide the fact about their relationship. Please read to witn...