Gulf's POV
"Mommie, I want fries." Wika ni Tyronne.
Busy ako sa online business ko. Lahat na ata pinasok ko na trabaho para mabuhay lang yung dalawang kambal ko.
"Can you just eat what's in front of you?" Sagot naman ni Tristan sa kanya.
They are identical twins and they looked like Terrence so much.
It's been six years since I left the city and moved to my mother's province. She helped me raised my twins. Nahihiya nga ako kasi sandali ko lang sila natulungan ng malaki pero sapat naman yun para mabayaran yung lupa namin dito.
Yup, I got pregnant. It was right after I broke up with Terrence. Pagkatapos ng premier ng teleserye namin ni Max ay naglaho na lang ako ng parang bula. Lumayo ako sa mapanuksong mundo. Lumayo ako sa lahat maliban sa bestfriend kong si Chen. Noong unang tatlong buwan ay hindi ko kinaya ang kalungkutan kaya nagbalak ako puntahan si Terrence. But what I saw broke me.
I saw him kissing a girl. I know that kind of kiss, they will end up in his bed for sure. That was the sign that I have to move on. Noong araw din matapos ko masaksihan yun ay nalaman kong buntis ako. I never expected that I can bear a baby. How funny this fate can be? Maybe it's God's plan for me, to raise our kids alone.
Mas lalo akong nagtago ng nalaman ko ang sitwasyon ko. I am not ready to tell them about this. To be honest, I am feeling embarrassed. This is something I am not prepared of.Anim na taon ang lumipas pero tinupad ko ang pangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ng iba ulit. I don't deserve it. Yun ang kabayaran ko sa kasalanang nagawa ko. Sabi ni Chen, it's just a kiss. I am exaggerating things. But for me, it's not just a kiss. Muntik na ko mahulog kay Max. I just realized later on na gusto ko lang siya dati kasi yun yung pangarap ko sa relasyon namin ni Terrence yung maging out sa lahat. I was never in love with Max.
"Babies, wait for mommy, okay? Pagbalik ko, may pasalubong ako para sa inyo."
I need to meet up some buyer na gustong bumili ng cookies na binake namin ng nanay ko.
I did everything for this two. Sakitin si Tristan ng bata, may mga ilang beses na gusto ko na humingi ng tulong kay Terrence para sa pinansyal na suporta pero mas nauuna ang takot at hiya ko sa kanya.
Iniwan ko ang pag-artista para manirahan sa probinsya kasama ng mga anak ko.
Hindi ako naka-graduate. Simula kasi ng hindi inaasahang panganganak ko ay inilaan ko ang buong panahon ko para sa kanila.
"But can we borrow your tablet? We want to watch our dad." Hindi ko isinikreto sa mga anak ko kung sino si Terrence sa buhay nila. Palagi ko na lang sinasabi na busy kasi siya sa trabaho kaya hindi sila mapuntahan.
Kaya yan ang ginagawa nila palagi, pinapanood yung mga youtube videos ni Terrence na kumakanta. Iniiwasan ko din na mapanood nila ang series niya kasi nagagalit ang mga anak namin sa mga nakakapareha niya. Madalas nila itanong sakin bakit daw hindi sila binabati sa TV ng daddy nila. Minsan umiiyak ako mag-isa kasi nalulungkot ako para sa anak ko. Hindi ko kasi alam kung ano mararamdaman niya kapag nalaman niya yung nangyari sa akin.
Lumayo ako sa mga tao kaya hindi nila alam na ang mga anak ko na ito ay nagmula talaga sa sinapupunan ko. Nag renew ng contract si Terrence, yun ang pagkakaalam ko kaya hanggang ngayon ay nag-aartista pa rin siya. He is just 26 kaya siguro sinusulit niya.
I downloaded a lot of videos of him. Pampatulog nila ang boses ng tatay nila.
"Sure, babies. Huwag mag-aaway ha."
============
Nakita ko na ang kameet-up ko. Nakilala ko siya dahil sa profile picture niya."Hi po, Sir Eli, Four boxes of cookies po bale one thousand eight hundred lang po plus 50 na meet up charge."
"Here" inabot niya sa akin ang eksaktong bayad. "Alam mo bakit hindi ka mag-artista? Maganda yung rehistro ng muka mo sa camera."
Hindi siya ang unang nagsabi sa akin nito. Medyo sanay na rin ako."Thank you po, pero busy kasi ako sa dalawang anak ko."
"How about this, taga dito talaga kasi ako pero sa Manila ako nakabase ngayon. Bumalik lang ako kasi may inaasikaso ako ng commercial shoot sa kabilang city. Nakita ko yung dalawang anak mo sa picture mo, feeling ko bagay na bagay sila sa commercial na gagawin namin for family. Madali lang. Please consider. I promise malaki ang ibabayad namin. Here's my calling card."
Pauwi na ko ng bahay. Hawak-hawak ko ang card niya. Hindi naman siguro masama na isama sila doon diba? Baka kasi mapagod ang mga anak ko. Pero it's a good thing na masanay sila sa harap ng tao.
Pagdating ko ng bahay ay tinanong ko sila at kinausap ng mabuti.
"Allow us, mie..promise I'll be handsome like daddie." Nakakapit sa binti ko at nagmamakaawa ang anak kong si Tyronne.
"Let's do it so we can buy a sack of rice." Oh my gosh Tristan. Why are you like this?
"No, baby. Ang kikitain niyo is para sa inyo lang. Let's buy toys and shoes for you. Okay?"
They both agreed. Masyado na silang excited para sa susunod na linggo. Tinawagan ko naman si Eli para sabihin ang desisyon namin.Isang linggo na ang nakalipas at maaga kaming nakarating sa location. Puro papuri naririnig namin kapag nakikita nila ang mga anak ko. I am very well aware how handsome my kids are. Natutuwa ako kasi hindi sila nahihiya sa harap ng mga tao.
"Mommie, I want fries talaga." Sabi nila mali-late naman daw yung magiging daddy nila sa shoot na to.
"Promise me you're not going to leave here first."
"Promise mommie. I want the twister fries."
Paalala ni Tyronne sa akin."Apple juice akin." Sabi ni Tristan. Binilin ko din sa kanya ang kapatid niya kasi alam ko mas sumusunod siya sa mga sinasabi ko.
"Don't worry, mommie."Halos mag isang oras ng late yung main talent nila. Nakakainis! Nagutom na tuloy mga anak ko kakahintay.
Mew's POV
"Sorry guys, I was stuck in the traffic jam."
Dumiretso muna ako sa dressing room ko.
I hate being late but I can't do anything because there's a car collision on the road causing traffic for more than an hour already."You won't believe it, Mew, but they'll really pass as your real kid." One of the producers answered.
"Who?" Tanong ko sa kanya.
"You'll see later." Sagot niya pabalik sa akin.
We are shooting a new model of a car commercial. The theme is about comfortable road trips with family.I saw the woman model who will act as my wife. Not bad.
"That is Tyronne and Tristan, they'll be your kids." Turo niya sa akin sa dalawang batang tahimik na nakaupo. I was stunned. How the hell this happened? I am looking at them like I am looking at the most amazing piece of art ever made. This is exactly how I look like when I was a kid. My mom will agree with me for sure.
Did I impregnate someone? Impossible. I never had a girlfriend after Gulf left me. Yes, he just left me. We didn't even broke up. He just realized one day that he is not into me.
Lumapit ako sa dalawang bata. Hindi nila ako napapansin kasi busy sila manood sa tablet na hawak nila ng video ko. Natawa naman ako, they are too young to understand my songs.
"Hello!" Bati ko sa kanila.
Bigla na lang silang tumakbo sa akin at yumakap. Bakit sila umiiyak?
Nakaagaw tuloy atensyon sa lahat pati na ng mga staff."Daddie." Kamukha ko sila pero wala akong naalalang ginalaw ko. Napangiti na lang ako. Nakayakap sila pareho sa akin.
"See? Mommie said busy lang si daddie. I told you."
"Akala ko ayaw niya sa atin. Huhu" nag-uusap silang dalawa."Daddie? Ako?"
Tumango naman sila na parang sobrang sigurado sila.
BINABASA MO ANG
MY TWINS (Completed)
Romance•Mpreg •Taglish This is the novel version of MY TWINS which was originally a one-shot. A love between a celebrity boyfriend and his average guy. They've been dating for 7 years but needs to hide the fact about their relationship. Please read to witn...