Chapter 13

3.6K 203 23
                                    

Mew's POV

Hinayaan ko na lang sila yumakap sa akin. Siguro nasobrahan ata sila manood ng mga videos ko na halos ituring na nila akong tatay. Well, nasanay naman na ako sa mga joke na ako ang daddy ng mga anak ng fans ko. This is not new to me.

"Okay, then wait here  muna. I'll check the props lang then umpisa tayo ng photoshoot. Okay lang ba sa inyo yun?"

" Promise ka muna hindi mo kami iiwan dito." Natawa na lang ako pero sumunod ako at itinaas ang kanang kamay ko para manumpa sa kanila. Ang pakilala niya ay siya daw si Tyronne. Nice name.

"Daddie Terrence, wait for mommie bumili lang siya sandali. Don't make him sad again." Ito naman si Tristan.

'Him'

Medyo naconfuse ako pero siguro nagkamali lang ang bata. Pero mas nagulat ako ng tinawag niya akong Terrence. How? I mean maraming nakakaalam ng full name ko pero Mew lang ang ginagamit kong screen name. Siguro fan talaga ang mommy nila.

Ang cute ng mga batang to. Halatang naalagaan ng mabuti ng nanay nila.

Natawa na lang akong iniwan sila dun. Chineck ko muna yung sasakyang gagamitin para sa photoshoot at commercial at para masiguro na din na walang magiging aberya.

Gulf's POV

"Sorry, babies. Ang haba ng pila."
Nakita ko naman na kumakain na sila ng mga sliced fruits.
"Who gave you that? Did you say thank you?"
Himala at masaya silang kumakain ng prutas. Napapakain ko sila minsan pero talagang pilitan lang.

"Si daddie, sabi niya ubusin daw namin to."
Sabi ni Tristan sa akin.

Sino naman kaya ang daddie nila ngayon?

"Akin nga to!" Inaagaw ni Tyronne yung tupperware na may mga prutas. "Sakin inabot to ni daddie."

"Sabi niya ubusin daw natin. Kasali ako!" At nag-umpisa na naman ang araw-araw na pag-aaway nila, hindi na natapos.

"Sssh. Gusto niyo umuwi na tayo pag ganyan kayo?" Warning ko sa kanila. Nakakahiya kasi baka dito pa sila magwala, marami pa namang tao.

"Mew!" Narinig kong tawag sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko nga siya sa likuran ko. Hindi niya pa ako napapansin kasi may kausap siya.

I am so not prepared for this. Paano kung ipahiya niya ko sa maraming tao, and worse sa harap ng mga anak ko. Sinabi ko pa naman na siya ang tatay pero pano kung itanggi niya at pagtawanan to sa harap ng anak ko. I am doomed.

Hindi ko naman inaasahan na mapapadpad siya sa lugar na to.

"We need to leave." Sabi ko sa kanila.

"No, mommie. We can't! Daddie said we need to stay here and finish this." Sabi ni Tristan sa akin. "We can't disappoint him on our first meeting."

"Labas muna tayo sandali. Balik na lang tayo ulit." Kinakabahan kong aya sa kanila. Mew can't see me here. I am not expecting to meet him. Halatang ayaw umalis ng anak ko. "Let's go. Listen to mommie, okay? Diba sabi ko palaging makikinig sakin?"

"But daddie told us to stay here too." Sabi ni Tristan sa akin...

Sinubukan ko silang hilain palabas pero nag-umpisa na silang mag-iyakan. Shit!

"Hey, what are you trying to do?" Rinig na rinig ko ang boses ni Terrence. Natatakot akong lumingon. Hindi ko napaghandaan ang hindi inaasahang pagkikitang to. "They said they are only with their mom. Who are you then?"

"Daddie, ayaw ko pa umuwi." Kumalas sa pagkakahawak ko si Tyronne at bigla na lang tumakbo sa direksyon nila Terrence.

"Babe, I said let's go." Lumingon ako and there I meet his gaze. He is stunning as ever. Nagmature siya pero sobrang gwapo pa din. Ang swerte siguro ng karelasyon niya ngayon dahil si  Terrence grabe magmahal yan.

Sandaling nagkatinginan lang kami.

"Gulf." Mahinang sambit niya. Siya din yung unang nagbawi ng tingin.
"Anak mo?"

"Oo." Gusto ko sabihin na anak nating dalawa.

"Good for you." Sambit niya. Walang bakas ng ngiti.

Nakayakap pa din si Tyronne sa binti niya. Kinuha ko siya kasi nakukusot na ang pantalon ni Terrence.
"Ayaw ko. Sabi mo pupuntahan kami ni daddie kapag hindi na siya busy. Bakit mo kami pinapauwi? Waaah."

"Hindi pa kayo uuwi, okay? Stop crying na. May photoshoot pa tayo diba?" Pagpapatahan niya sa anak namin.

Pumunta na kami sa labas kung saan gaganapin ang photoshoot. Proud na proud ako sa mga anak ko. They really look good on camera. No wonder na they have Terrence's blood. Nang nag-umpisa ay walang naging problema. Pero ng nag-iba na yung pose ng babae at may pagyakap na kay Terrence for photo ay nagkagulo na. Hindi na mapangiti ang mga anak ko kahit anong pilit nila. Masama ang titig nila sa babae. Hanggang sa hindi na napigilan at tinulak ni Tyronne yung umaarteng nanay nila.

"My mommie is supposed to be the only one hugging our dad. I don't like you." Nakayakap na naman siya sa binti ni Terrence.

"Don't worry Ty, that girl is just acting as a mom. She is not real though. Stop crying." Tristan as an older twin acted quickly. He tapped his brother's back to comfort him.

I know him he is very strict at work. Paano kung pagalitan niya yung kambal namin?

"Let's have a fifteen minutes break." Sigaw ni Terrence.

Lumapit agad ako sa kanila. "I am sorry about my kids." Una akong humingi ng paumanhin sa ka babae.

"Wait. Gulf?" Tanong niya sa akin. How did she know me? Hindi ko siya natatandaan.

"Uhm. Hello." Awkward na bati ko sa kanya.

"Aackkk... I am  a member of MGPH, MaxGulf Philippines. Nalulungkot kami kasi bigla kang nawala."

"Ahh, hi." Yun lang ang nasabi ko sa kanya.
Lumapit din ako kay Terrence. "Sorry about how they acted earlier."

"It's fine." Yung anak ko hindi na humiwalay sa kanya. Sunod sila ng sunod kahit saan siya magpunta. Yung tipong iinom lang ng tubig si Terrence pero akala mo ay nanonood sila ng napakagandang pelikula.

Sobrang nalulungkot ako para sa mga anak ko. Sasabihin ko na ba sa kanya? Paano kung ayaw niya sa kanila?paano kung magalit yung karelasyon niya? Paano kung masira ang pangalan niya dahil dito? Hindi ko naman sinasadyang magpakita.

Ilang oras pa ay natapos din ang shoot. Ang daming pumuri sa mga anak ko dahil they act natural daw. Of course, sobrang saya nila kasi kasama nila ang daddie nila.

Binigay sakin ni Eli yung cheke para sa talent fee ng anak ko. Matutuwa sila bukas kapag dinala ko sila sa mall at binili ang mga gusto nila.

Binalikan ko ang mga anak ko na nakabuntot lang kay Terrence.

"Time to go home, babies. Say bye to them na."
Hindi sila sumagot sa akin. Sa halip ay hinila nila si Terrence. Natatakot talaga ako na baka sigawan sila nito.

"Daddie are you not going home with us?"
Tanong ni Tristan sa kanya.

"Baby, let's go. He is busy. Uuwi pa siya sa malayong lugar. Pupunta na lang tayo sa mall, diba gusto niyo yun?"

"Daddie come with us, please." Sabi ng isang kambal.

"Gulf, let's talk."pinaupo ko muna sila saglit para harapin si Terrence.

"How are you? Masaya ba?" Pagalit na tanong niya sa akin.

"Masaya ako syempre sa dalawang anak ko. Ikaw kamusta ka na?" Tanong ko din pabalik sa kanya.

"Ano sa palagay mo? Five years old na mga anak mo? Ang bilis mo naman makabuntis agad. Ang bilis mo naman mag move-on." Halatang may galit siya sa akin. Ayaw ko na magsinungaling pa.

"Wala akong nabuntis... Actually.... I....I...I g-got..."

"Ano Gulf? Hindi ka pa rin magsasalita?"

Napaiyak na ko kasi nagflashback na naman sa akin yung hirap na dinanas ko simula ng nalaman kong buntis ako hanggang sa pagkapanganak ko. Lahat lahat...

"I know this might sound a joke to you... But I...I... I got pregnant when I left. I just realized it three months after."

"What? Are you serious?"

"Yes, and you are the twins father."

MY TWINS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon