Mew's POV
"Baby, please wake up." Nagising ako na may nakapatong sa akin. Napangisi ako.
"Still want more?" He squeezed my morning wood.
"Wake up. It's already 8, baby! I am so excited for the trip." Natawa naman ako. Tumayo na ko para maligo at magbihis.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakakunot ang noo ni Gulf habang pinapakialaman ang cellphone ko.
"What's that frown for?"
"Why are you so handsome? Nakakainis. Look at their comments. Ano daw? they want to taste you? Ang lalandi."
"Of course they are just kidding. Alam mo naman na hanggang comment lang sila diba?" Paninigurado ko sa kanya.
"Of course I know, baby. They can look, but they can't touch you."
Buong biyahe ay puro kwento lang siya. I am just happily listening to him.
"Baby. Hindi pa kita nakitang uminom ng tubig since morning." Bigla niya na lang pinasok yung straw sa bunganga ko. "Drink." I have no choice but to finish it.
Tumawag si Boss na andun na sila sa restaurant. Actually treat ko yun sa lahat pero heto ako nasa biyahe pa din. Si Gulf kilala yan ng team ko, pero yung mga staff at director na kasama namin ay walang alam tungkol kay Gulf. Ayaw sana ni Cooheart sumama sa lunch pero pinilit ko siya para kay Gulf. Para may rason kami kung bakit andun siya. Dinaanan lang namin siya saglit sa hotel at dumiretso na sa restaurant.
Nagulat sila na kasama ko si Gulf pagpasok. Mabuti na lang mabilis na napansin yun ng pinsan niya.
"Sinama ko pinsan ko, okay lang ba?" Si Cooheart na unang nagsalita.
"Of course that's fine, libre naman ito ni Mew." Sagot ng direktor namin na halatang iba ang tingin kay Gulf.
Kinailangan namin maghiwalay muna ng upuan kasi hinanda nila yung upuan sa gitna para sa akin. Naging katabi tuloy ni Gulf sa kaliwa niya si Direk Kyle habang sa kanan naman ang pinsan niya.
Ito na naman ako at inaatake ng pagiging seloso ko. Sinisubukan ko pakalmahin ang sarili ko kasi wala naman silang ginagawa na dapag ipagselos.
"With your looks, you can be a star. You can make it big." Sabi sa kanya ni Kyle.
"Kelan ka pa naging talent scout, direk? Marami na nag-offer sa kanya at marami na din siya tinanggihan." sabi naman ni Cooheart.
He was right. Gulf may not be a celebrity but he has a large number of followers in IG. May mga times na nagmomodel kasi siya for clothing brands.
"So wala kang balak?" Ang lawak ng ngiti niya sa boyfriend ko kaya hindi ko mapigilang mabwisit dito sa kinauupuan ko.
"Wala po. Not my thing." Maikling sagot niya.
Masayang kumakain ang kasamahan ko pero hindi ko man lang magalaw ang kinakain ko. Sana hindi na lang kami bumalik dito. Sana sa ibang lugar ko na lang siya dinala.
Nag-uusap pa rin sila pero hindi ko na marinig. Bukod sa nasa kabilang dulo sila ay mukhang bumubulong na lang yung batang direktor at halatang ayaw iparinig sa iba ang sinasabi niya.
I stood up and went to the washroom. Medyo napalakas ang pagtayo ko na pati ang upuan ko ay natumba.
Nakita ko sa kabilang dulo yung ngiti ni Cooheart. Halatang natatawa siya sa nangyayari. Yung mukha niya ay parang napakasaya niya dahil nagseselos ako sa pakikipag-usap ng pinsan niya sa iba.
Dumiretso lang ako sa washroom at naghilamos. Hindi ko mapigilang mainis.
"Masakit?" At andito na nga yung dakilang pinsan.
BINABASA MO ANG
MY TWINS (Completed)
Romance•Mpreg •Taglish This is the novel version of MY TWINS which was originally a one-shot. A love between a celebrity boyfriend and his average guy. They've been dating for 7 years but needs to hide the fact about their relationship. Please read to witn...