Chapter 9

2.5K 143 21
                                    

Mew's POV

Ngayon ay nagmamaneho ako para ihatid si Gulf sa meeting niya kasama ang ibang cast. Wala na kong nagawa, ayaw ko naman na maghiwalay kami dahil dito.

"I need to find PA for you and ask Boss to handle you." Mas maganda na yun para kapag nakita kaming magkasama ay may rason na kami.

"I can handle it. Stop worrying." Alam kong naiinis pa rin siya sa akin dahil pinipilit ko siya kanina na wag mag blue but he still insists.

"Kahit doon na lang, can you let me help?"
Hindi man lang tumitingin sa akin. Galit pa din ba siya? Pumayag na nga ko. Ano pa ba gagawin ko?

"Baby, look at me. Don't act cold. Ginawa ko na parte ko sana ikaw din." Kinalas ko ang seatbelt niya. "Talk."

"It's up to you. Chat me the details na lang."
Bumaba na siya ng sasakyan.

"Baby..." Pasigaw na tawag ko sa kanya. Lumingon muna ako sa paligid kung may tao ba. "I love you."

"I love you. Tawag ako mamaya." Sagot niya sa akin. Halata pa din sa kanya na masama loob niya.

Gulf's POV

I am going to meet all the casts. Kinakabahan ako kasi parang mga magkakakilala na silang lahat, ako lang yung bago. At saka lahat sila may mga kasamang assistant. Paramihan ng team na dala.

Nagpakilala ang bawat isa. Ganun din ang ginawa ko, tinatanggal ko lang ang hiya ko para sa pamilya ko.

Mamaya din pagkatapos ng meeting ay mag-uumpisa na ang workshop.

Maya-maya ako tinitext ni Mew kung ano na ang nangyayari sa akin.

"I am trying to blend in but I am really shy." Sinend ko sa kanya.

"Baby, I'll send foods for you there. You can do it because my boyfriend is always the best." Kagabi lang galit na galit siya sa desisyon ko pero ngayon todo suporta siya sa akin siguro alam niya din na wala na siyang magagawa.

Sabi ng staff ay mag-uumpisa kami pagkatapos ng tanghalian kaya kailangan ay magpahinga muna sandali. Workshop pa lang naman daw at madali lang daw yun.

Ilang saglit pa ay may dumating na anim na lalaki na may bitbit na mga pagkain. Tinanong ng staff kung kanino daw nanggaling ang mga yun.

"Sir, this is from Mr. Gulf's supporter daw po to congratulate him on this series."
Hindi naman ako ang main role bakit may magbibigay sa akin ng ganito. Wala naman akong ibang alam na pinagsabihan ko maliban kay....

"Wow, ang big time naman ni Gulf may supporter agad. Sigurado bang baguhan ka lang?" Si Max ang unang nagtanong.

"Baka isa sa mga follower niya sa instagram. Pang celebrity ang dami ng followers niya dun." Nakangiti sa akin si Direk Kyle na para bang alam niya ang nangyayari, na para bang alam niya kung kanino galing ito.

Pinagsaluhan nila yung halos pang-fiesta sa dami ng pagkain.

"Do you love the food, baby? Eat a lot please."

"Thanks for these baby. I am sorry about last night." Bago pa ako nakareply ay nakita ko si Rain, isa sa mga make up artist ni Mew.

"I was ordered to be your PA slash stylist na din. I was given the honor to take care of our baby Gulf." Nakangiting bati niya sa akin.

"I am sorry Rain that you have to do this."
Nakonsensiya naman ako dahil matagal na siya kay Mew.

"Huwag ka mag-alala, masaya ako kasi alam ko na pinagkakatiwalaan ako ni Mew. So much trust na ipinagkatiwala niya sa akin ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya." Ngumiti siya sa akin ng malapad.
"And don't worry there's a talk that Boss is going to manage you too. They've been talking about that."

MY TWINS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon