Chapter 3

8 0 0
                                    


"Tara,Eden" Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama nang tawagin ako ni Ladi. 


Lalabas kami ngayon para pumunta sa palengke dahil may pinapabili sa kaniya si Tasha at napagdesisyunan ko na sumama. Dalawang linggo na rin akong nakakulong sa kwarto ko para pagalingin ang nabali kong binti. 


Tahimik akong sumunod kay Ladi papunta sa likod dahil doon lamang ang daan na walang mga bantay, itatakas niya lang ako. Kating-kati na rin kasi akong lumabas. 


"May bantay!" Mahinang ani ni Ladi, agad kaming pumasok sa isa sa mga banyo dahil muntik na kaming makita. Hawak-hawak lamang niya ako sa kaniyang likuran dahil siya ang mas nakakaalam ng mga pasikot-sikot sa lugar na ito. 


Nang lumampas na ang mga tauhan ni Tasha ay mabilis kaming tumakbo palabas. "Dito," Aniya at nauna ng lumundag sa mas mababang bakod kaysa sa tinalunan ko dati. Tagumpay naman kaming nakalabas pero kinailangan pa namin tumakbo ng mabilis para makalayo sa lugar na yun. 


Tumigil lang kami ng halos isang kanto na ang layo namin. Hingal na hingal na tinignan ako ni Ladi. 


"Masakit ba?" Tanong niya habang nakatingin sa paa ko. 


Umiling ako at nagpaalam na sa kaniya. 


"Saan ka ba pupunta?" 


"Basta. Magkita na lang tayo dito pagkatapos ng isang oras" Umiba na ako ng daan at mabilis na tumakbo. 


"Hoy,Eden!" Narinig ko pa ang mga reklamo niya pero nag patuloy na lamang ako sa pagtakbo. Isang oras lang ang mayroon ako. 


Tumigil ako sa pagtakbo nang matanaw na ng mga mata ko ang bahay, ang bahay raw nung multo. Simula ng makita ko yung multong yun hindi na siya mawala sa isip ko. Pakiramdam ko talaga may kailangan sa akin yun, e. Bukod pa riyan ay madalas kong nararamdaman ang presensya niya sa aking silid, pakiramdam ko ay palagi niya akong pinapanood. 


Sana ay hindi pa ako nababaliw. 


Sinigurado ko muna na walang tao na nakasunod sa akin bago ako dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan. Nag iwan muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko tuluyang binuksan ang pintuan. 


Napakatahimik. Palagi naman itong tahimk kahit dati pa pero kakaiba ang katahimikan ngayon dahil alam ko ng may presensyang nakatira rito. 


"Hello? Nandiyan ka ba?" Ngunit walang kahit anong ingay akong narinig. Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa mapadpad ako sa sala. "Nandito ka ba?" Muling tanong ko. 


Ngunit natigilan ako nang biglang sumara ng malakas ang pintong iniwan kong bukas. 


Mukhang nandito nga siya. 


"Na-Ah!" Sa sobrang gulat ko ay natumba ako dahil bigla na lang may lumitaw sa harap ko!

Lost SoulWhere stories live. Discover now