Chapter 24

4 0 0
                                    



Tumahan na sa pag-iyak si Astrid ngunit nanatili siya sa tabi ko. Nandito pa rin siya sa loob ng kwarto kasama ko. Kaiba kanina, hindi na pangalan ni Leila lamang ang binabanggit niya dahil ikinukwento niya sa akin ngayon ang buhay nilang dalawa noon. 


"Tuwing umaga, sabay kami laging pumapasok sa campus para mag aral sa library. Lagi kaming maaga ng isang oras dahil bukod sa gusto naming mag-kasama ay gusto rin namin pareho mag aral bago magsimula ang klase." Nakangiting aniya. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. "Pagsapit naman ng lunch, sabay din kaming kumakain habang pinag uusapan lahat ng napag-aralan namin noong umagang yun, madalas nagtatalo kami dahil minsan lang kami magkasundo. Sa uwian naman, ihahatid ko siya sa kanila, at sa daan, habang naglalakad ay nakikipag ayos ako sa kaniya." Natatawang aniya. 


"Ganon kayo lagi?" Nakangiting tanong ko. 


"Madalas, oo pero hindi ako napagod kahit isang beses." Muling sumilay ang lungkot sa kaniyang mga mata dahil sa kaniyang tinuran. 


"Anong pinakapaborito mong katangian ni Leila?" Pag iiba ko ng usapan. 


Tumingin siya sa kisame at saglit na nag isip. "Hmmmm...magaling siyang mag-pinta..." Tumingin siya sa akin at muling ngumiti. "Naaalala mo ba yung painting ng mukha ko sa bahay ko? Siya ang gumawa 'nun." Oh! Yung painting na may pangalan niya. 


"Wow. Kaya siguro ganon mo na lang siya kamahal, ano? Marami siyang bagay na kayang gawin na nakapagpapasaya sa'yo." Hinintay ko na tumugon si Astrid ngunit wala akong narinig sa kaniya. Mula sa kawalan ay nalipat ang tingin ko sa kaniya para lamang makita na seryoso siyang nakatingin sa akin. Tila ba inaaral niya ang mukha ko. "May problema ba?" Tanong ko. 


"Matagal na kaming hiwalay ni Leila," Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya pero bago pa man ako makapagsalita ay agad siyang nauna. "Naghiwalay kami nang hindi nalalaman ng kahit sino, kahit pa si Raf." Paliwanag niya. 


"Pero bakit?" Tanong ko. 


"Dahil sa magkaiba naming opinyon sa paglaban. Matapang na babae si Leila, mahilig siyang sumali sa mga rally habang ako ay tutol dito. Sabi ko sa kaniya, mas gusto kong lumaban kapag handa na ako, kapag ganap na akong abogado pero lagi niya ring sinasabi na hindi titigil ang mga problema sa lipunan para hintayin akong maging isang abogado, na kailangan lumaban habang naghahanda para walang masayang na oras." Pagkukwento ni Astrid. 


"Sa tuwing tumututol ka, anong sinasabi ni Leila?" 


"Nagagalit siya sa akin palagi, sinasabi niya na hindi ko siya naiintindihan. Hanggang sa tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa akin. Nagpatuloy siya sa pagdalo sa mga rally at ako, dahil mahal ko siya ginawa ko ang lahat para balikan niya ako kahit pa ang kapalit non ay ang pag talikod ko sa mga paniniwala ko." Malungkot na aniya. 


"Sumama ka rin sa mga rally?" Tanong ko. 


"Oo. Lahat ng dinadaluhan niya ay sumasama ako kahit na hindi niya ako pinapansin, kahit na mukhang wala siyang balak na balikan ako. Hanggang sa eto, nangyari ang pinakakinakatakot ko, ang tuluyan siyang mawala sa akin." Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon kay Astrid dahil walang kahit anong salita ang makakagamot sa sakit na dinaranas niya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost SoulWhere stories live. Discover now