Chapter 9

9 0 0
                                    




"Malapit na ba tayo?" 


"Basta dumiretso ka lang," Napabuntong hininga ako dahil yun na naman ang sagot niya. Kanina pa ako nagtatanong kung malapit na ba kami sa pupuntahan namin pero puro 'dumiretso ka lang' ang sagot niya.


"Alam mo ba talaga yung daan?" Ani ko dahil halos dalwang oras na akong nagmamaneho at puro puno lang ang nakikita ko. 


Hindi niya ako sinagot pero sinamaan niya naman ako ng tingin. Inirapan ko na lamang siya at muling bumaling sa lubak-lubak na daan. 


Sumibol na ang didlim nang sa wakas ay pahintuin niya ako.. 


"Dito" 


Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at mabilis ko siyang sinundan. Baka iwan pa ako nito dito. Paglabas ko ng sasakyan ay sinalubong agad ako ng napakalakas na simoy ng hangin. Kahit na makapal na jacket ang suot ko ay naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko, nakakapangilabot. 


"Anong meron dito?" Nagtataka kong tanong dahil puro puno at nagtatataasang damo lang naman ang nakikita ko. Pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. 


Nilakihan ko ang mga hakbang ko dahil napakabilis niya, para bang atat na atat siya sa pupuntahan niya e wala naman kaming ibang nakikita dito kundi purong kagubatan. 


"Teka nga," Pagpigil ko sa kaniya. Dumidilim na kasi lalo dahil unti-unti nang natatabunan ng mga puno ang liwanag na galing sa buwan, wala na akong makita. 


Tumigil saglit si Astrid at walang emosyong tumingin sa akin. 


"Pwede bang bumalik muna tayo sa sasakyan at kumuha ng flash light? Wala na talaga akong makita." Hindi ko nga alam kung bakit ko siya nakikita. Glow in the dark siguro ang mga tulad niya. Saglit niya akong tinignan, para bang pinag iisipan niya pa kung susundin niya ko o hindi. 


"Ako na lang ang kukuha" 


"Pero-" Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na umangal dahil mabilis siyang nawala sa paningin ko. 


Napalunok ako nang maiwan akong mag isa sa loob ng madilim na gubat na 'to. Parang nanlalambot ang tuhod ko dahil sa takot. 


"Psst" 


Tama ba ako ng rinig? May sumisitsit ba?


"Nalaglag na dahon lang yun, Eden" Pagkausap ko sa sarili ko. 


"Psst" 


"Shit" Mukhang hindi dahon yun. Napahawak ako nang mahigpit sa magkabilang braso ko nang biglang humangin ng sobrang lakas. 


"Psst" 


Kailan ba babalik si Astrid?!

Lost SoulWhere stories live. Discover now