Dahan-dahan akong tumawid sa bakod kung saan kami dumaan ni Ladi kanina, mabuti na lamang at walang bantay o kahit sinong tao ang nandito.
"Eden" Humarap ako kay Ladi nang tawagin niya ako para abutin ko ang mga pinamili niya. Gaya ko ay dahan-dahan din siyang tumawid at nang makarating na rin siya sa loob ay kinuha niya sa akin ang mga bitbit ko.
Maglalakad na sana kami papasok nang pareho kaming natigilan.
"San kayo galing?" Pareho kaming naistatwa nang maabutan namin si Lucho na pinapanood kami.
"Mauna ka na sa loob, Eden" Ani ni Ladi sa akin, marahan akong tumango.
Lalampasan ko na sana si Lucho nang hawakan niya ako sa braso upang pigilan.
"Ako na ang magpapaliwanag sayo, Lucho, hayaan mo na si Eden" Ani ni Ladi sa aking likuran ngunit hindi natinag si Lucho, hindi niya inalis ang kaniyang mga mata sa akin.
"Bitawan mo ako," Nginisian niya lamang ako.
"Ano kaya ang gagawin sayo ni Tasha kapag nalaman niyang tumakas ka na naman?" Nang aasar na aniya. Pilit kong binabawi ang aking braso pero mahigpit ang kapit niya sa akin.
"Lucho-Ah!" Malakas niyang tinulak si Ladi nang subukan nitong ilayo ako sa kaniya.
"Ano bang problema mo?! Bitawan mo sabi ako!" Sinubukan kong kumawala upang lapitan si Ladi ngunit mas humigpit lamang ang kapit niya sa akin.
"Hindi kita isusumbong kung susunod ka sa kondisyon ko"
"Wala akong balak makipagkasundo sayo" Mariin kong ani. Ngunit parang wala siyang narinig at nagtuloy pa rin sa kaniyang pagsasalita.
"Sasama ka sa aking umalis dito, sasama ka sa aking tumakas" Seryoso niya akong tinignan. Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Matagal ko nang kilala si Lucho dahil matagal na siyang naninirahan at nagtatrabaho dito. Buong akala ko ay malaya siya sa lugar na ito ngunit mukhang mali ako.
"Bitawan mo ako" Dahan-dahan niya akong pinakawalan habang naghihintay sa sagot ko.
"Kung gusto mong tumakas, gawin mo ng mag isa dahil kung tatakas ako gagawin ko rin yun ng mag isa. Walang ibang tutulong sa atin sa lugar na ito kundi ang sarili lang natin. Hindi mo ako kailangan at hindi rin kita kailangan." Seryoso ko siyang tinignan ngunit hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad pabalik ng aking kwarto.
Naramadaman ko na sumunod sa akin si Ladi. Nang makapasok kami sa silid ko ay agad niyang isinara ang pinto. "Huwag kang mag alala, Eden ako na ang bahala kay Lucho" Hinarap ko siya at bakas sa mukha niya ang pag aalala.
"Anong gagawin mo?" Dahil sigurado akong hindi niya makokontrol si Lucho.
"Kakausapin ko si Tasha ngayon bago pa makapagsumbong si Lucho, sasabihin ko na binalak niyang tumakas ngayon at nahuli natin siya.Sigurado akong paparusahan siya agad ni Tasha bago pa man siya makapagsumbong"
"Hanggang kailan mo gagawin yan, Ladi?" Mula nang magkaisip ako ay nandito na si Ladi. Kanang kamay siya ni Tasha at siya ang dumidispatsa sa mga may kasalanan kay Tasha. Sa akin lamang siya malambot, hinahayaan niya akong gawin ang lahat ng gusto ko ngunit kahit kailan ay hindi niya ako sinumbong.
YOU ARE READING
Lost Soul
Mystery / ThrillerA story that is not sure if will be finished by the author. -author [Jan 2021] I finished it :) -author [10:15 pm, Sep 25 2022]