Chapter 12

7 0 0
                                    



Umalis si Astrid nang hindi nagtatanong. Hindi niya kinwestyon ang desisyon ko, hindi rin siya nagkomento tungkol dito. 


Hindi ko alam kung anong mali sa akin at kung bakit ko nasabi ang mga salitang yun. 


'Lalabas ako rito ng mag isa'


'Hindi kita kailangan' 


Ngayon na mas tumatagal ay mas nalalasahan ko ang sarili kong laway. Hindi ko dapat sinabi yun. Una, hindi ko kayang makalabas dito ng mag isa. Pangalawa, kailangan ko siya. Kailangan ko ng kasama at poprotekta sa akin. Ngayon, kung lulunukin ni Astrid ang mga salita ko, paano na ako?


Napaupo ako sa pagkakahiga at napatulala sa kawalan. 


"Ano bang problema ko?" Pagkausap ko sa aking sarili. 


Bakit ko ba gustong gustong hanapin ang katawan niya? Para sa katahimikan ko? Para umasa na buhay pa siya at baka sakaling makita ko pa ang mga magulang ko?


Bullshit. 


Matagal na akong walang katahimikan at ayos naman ako kahit wala akong magulang. Ano bang mali sa akin? Alam ko sa sarili ko na ayoko ng mga kumplikadong bagay pero bakit ako nandito? Bakit ayaw kong makinig kay Astrid? 


Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis sa sarili ko. 


"Shit. Shit. Shi-"


Agad akong nahinto sa ginagawa ko nang may maramdaman akong hangin sa harapan ko.  Umayos ako ng upo at tama nga ako, nandito ulit siya. 


Tinignan niya ako na para bang ako na ang pinakabaliw na taong nakita niya. Nakahilig pa ang ulo niya senyales na pilit niyang iniintindi ang nababalot na inis sa mukha ko. Dahan-dahan kong inayos ang buhok ko at nahihiya siyang nginitian. 


Tinapik ko ang kama upang senyasan siyang maupo sa tabi ko. Agad naman niya akong naintindihan at tinabihan ako. Hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin. 


"Anong problema mo?" Mahina niyang tanong. 


Napaiwas ako ng tingin at saglit na napaisip. Sa tingin ko ay hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya. "Wala, ano, naiinip lang ako dito." Pagdadahilan ko na mukhang pinaniwalaan niya naman. Tumango siya at dahan-dahang nag iba ang kaniyang emosyon. Mukha na ulit siyang kalmado. 


"Eden," Mahinang pagtawag niya sa pangalan ko. 


"Hmm?" Tugon ko. 


"Anong hinahanap mo dito?" Sa pangalawang pagkakataon ay napaiwas ako ng tingin. Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kaniya na hinahanap ko ang katawan ni Astrid at Raf, na naghahanap ako ng katawan ng mga ligaw na kaluluwa. 

Lost SoulWhere stories live. Discover now