Chapter 2

14 0 0
                                    


Muling lumipas ang oras at hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nakaupo sa isang sulok ng bartolinang kinalalagyan ko ngayon. 


Hindi ko na maramdaman ang binti ko sa sobrang pamamanhid at sumasakit na rin ang katawan ko dahil sa tigas at lamig ng sementong sinasandalan at inuupuan ko ngayon.


Papatayin na ba ako ni Tasha? Sa ganitong paraan niya ba ako gusto bawian ng buhay? 


Kanina pa umiikot sa ulo ko ang mga tanong na yan ngunit paulit-ulit ko ring sinasabi sa sarili ko na mas mabuti nang mamatay sa lugar na ito kaysa bumalik sa labas at ibenta ang katawan ko sa iba. Sa ganitong paraan, kahit papano mabibigyan ko ng kapayapaan ang kaluluwa't katawan ko. 


Ngunit mukhang nagkakamali ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay narinig kong bumukas ang pinto ng bartolina. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang dalawa sa mga tauhan ni Tasha. Lumapit sila sa akin at pinilit akong itayo. 


"Papatayin niyo na ba ako?" Tanong ko dahilan upang matigilan sila. 


Ngunit hindi nila ako sinagot at nagtuloy sa pag-akay sa akin palabas. Malamang ay hindi. 


Mula sa malayo ay natanaw ko si Ladi na kabadong naghihintay sa akin. Sinalubong niya kami at sinabayan patungo sa kwarto ko. 


Napabuntong hininga ako. Mas mabuti pang namatay na lang ako sa bartolinang 'yun'. 


Inihatid lamang nila ako sa banyo at tiyaka sila sinenyasan ni Ladi na iwan na kami. Hinubad niya ang lahat ng saplot ko at dahan-dahan akong pinaliguan. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinayaan siyang gawin ang kaniyang trabaho. Alam ko na nagaalala siya sa akin at gusto akong pagsabihan ngunit mukhang ramdam niya na hindi yun ang kailangan ko ngayon. 


"Masakit ba?" Dahan-dahan akong tumango nang maramdaman kong kinapa niya ang sugat sa aking ulo. Inangat niya ang aking mukha at pinagmasdan ako. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng kaniyang mga mata. 


"Napakaganda mong bata," Nakangiting aniya. Hinawakan niya ang gilid ng aking mata. "Mula sa iyong mata," Sunod niyang hinawakan ang aking ilong pababa sa aking labi. "Hanggang sa iyong ilong at mga labi. Mayroon kang magandang kutis at hubog" Sunod niyang pinagmasdan ang aking katawan. "Kung kaya ganon na lamang kaingat sa iyo si Tasha, Eden" At tiyaka bumalik ang tingin niya sa aking mga mata. "Ang dahilan kung bakit nabubuhay ka pa rin hanggang ngayon ay dahil sa iyong itsura kung kaya't ingatan mo ang iyong sarili, hija" 


"Mabuti ka pa Ladi ay alam mo" Narinig kong nagsalita si Tasha. Agad na lumingon si Ladi doon ngunit hindi ako. Naramdaman ko ang paglapit niya sa aming pwesto. 


"Sorry po, ma'am" Nahihiyang ani ni Ladi. 


"Labas" Mabilis na sumunod si Ladi at agad na ibinaba ang sabon na hawak niya, nanatiling nasa sahig ang mga mata ko nang maiwan ako kasama ni Tasha. 


Ramdam na ramdam ko ang talim ng mga titig niya sa akin. Napilitan lamang akong harapin siya nang sapilitan niyang iangat ang ulo ko. 


Lost SoulWhere stories live. Discover now